It was the summer of Jeanna's twenty-third birthday and nothing else could make her the happiest. Kasama niya ang Kuya Jeno niya, and best friend niya si JL, at ang pinakamamahal niyang boyfriend—si Carlisle. Even the people she treasures in her adult life were here with her to celebrate her. Life could not get any better than this, she thought to herself—lalo na at hindi lang birthday niya ang ise-celebrate nila. Ngayon din ang fifth anniversary nila ng boyfriend niya.
Nakilala niya si Carlisle bago siya nagtapos ng junior high school, isa ito sa mga bagong kaibigan ng Kuya Jeno niya. All was platonic until something blossomed between them when he returned from his stay in Canada six years later. They waited until she was eighteen to tell her brother that they were dating.
Ang binata ang 'firsts' niya sa lahat. First boyfriend, first date, first kiss... Masaya siyang maging girlfriend nito at masaya siyang nae-experience ang iba't ibang bagay kasama ito. Wala na siyang gustong hilingin pa sa taong gusto niyang masakama hanggang sa pagtanda kung hindi si Carlisle na lang.
She was at her happiest and she would scream it at the world if she could—until everything came crashing down too fast for her to properly process it all at once.
Pagkatapos na pagkatapos ng birthday niya, bumungad sa kanya si Carlisle na may kasamang ibang babae. Hindi lang iyon—it was Carlisle on their apartment bed, having sex with another woman.
Ano ba unang dapat gawin kapag nahuli mo ang boyfriend mo sa ganoong sitwasyon? Sumigaw? Magalit? Saktan sila ng babaeng ka-sex niya? Lahat ng options sa mundo, pero ano nga ba ang ginawa niya?
Wala.
Wala siyang ginawa.
Tinakpan niya ang bibig niya para pigilan ang kahit anong emosyong pwedeng lumabas sa kanya, at umalis. Umalis siya na parang walang nangyari. Umalis siya na para bang nakalimutan lang siyang kunin sa sasakyan niya. Umalis siya at nagmaneho kung saan man siya pwedeng magpunta.
Sobrang swerte niya at hindi siya naaksidente kahit na nga ba wala na siyang makita dahil sa mga luha niya.
She drove off and cried endlessly until she found herself in the cemetery, inside her parent's mausoleum.
Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa kanya. Nandoon lang siya, nakatitig sa lapida ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin, kung anong dapat niyang gawin. Nandoon lang siya.
Kahit kailan ay hindi niya naisip na magagawa sa kanya ni Carlisle ang lahat ng nakita niya. Kung tutuusin, kahit kailan ay hindi man lang siya naghinala na kaya nitong magloko. Walang signs, walang kutob, walang kahit ano. Walang kahit anong nakapaghanda sa kanya na pwede pa lang mangyari ito.
How could a man so lovingly sweet to her break her heart like this?
Ano ba ang dapat niyang gawin?
Ang pinakamasakit pa sa lahat ay mas nangingibabaw ang lungkot sa kanya kaysa ang galit.
She had seen this scene in countless movies before. Nag-cheat ang lalaki at agad-agad handa ang babae para iwan ito. All those promises of burning everything to the ground and hurting him seemed very fitting. Yet, here she was, still lost.
Dapat magalit man lang siya. Mayroong parte sa utak niya na iyon ang gusto gawin. Magalit, magwala, sigawan at saktan si Carlisle... pero iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na.
She was just here—speechless and questioning everything in existence,
Saan ba siya nagkulang? May nagawa ba siya? Anong parte ng pagkatao niya ang pwedeng naging dahilan para maghanap ito ng iba? May kulang ba sa kanya? Hindi ba siya magaling sa kama?
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...