Finale: Homecoming

35.6K 578 13
                                    

NOTE:  Hi, everyone! So you've reached the finale of Kieth and Jeanna's story. Congratulations! Maraming-maraming salamat din dahil nakasama nila kayo sa kanilang story. I really appreciated you guys who voted, commented, and added OBTD to their RLs. Kayo ang naging inspiration ko para tapusin ito. Don't worry! Ang last chapter po nito ay ang Epilogue. God bless you and happy reading!

----------

Hindi maialis ni Kieth ang tingin kay Jeanna. She was just stunning. Ginawa na yata niya ang lahat para mabaling ang atensyon niya sa iba kaya lang wala pa rin. Ang dalaga talaga ang gusto niya at wala ng iba. Kahit simpleng ngiti lang nito ay hindi niya matigilang titigan. 'Yung nga lang, hanggang tingin na lang sa malayo. Kahit gaano rin niyang kagustong lapitan ito, alam naman niyang nangako siyang hindi niya gagawin iyon.

Papunta na ang lahat sa reception area nang lapitan na siya ni Jeno. He somehow expected this.

"You won't probably go no where if you just stare at her from afar, right?" Nakangisi nitong simula. "Hindi mo naman pwedeng i-deny at kanina pa ako binubulungan ni Kayelle na pilitin kang lapitan na ang bunso ko."

Kung siya man din ay kanina pa pinipilit ng dalaga. "Jeanna is... Well, Jeno, I'll be lying if I told you I'm not even mesmerized by her at all. Kaya lang ipinangako ko sa kanyang hahayaan ko muna siya."

"That's a very shitty promise."

Napailing na lang siya at napangisi din. "I know. But I love your sister."

At iyon ang katotohanang hindi na mababago. Masyado niyang mahal si Jeanna at rerespituhan niya ang kung ano man napag-usapan nila. Kahit ba ang kapalit noon ay ang pagtitiis niya. Jeanna is worth every sacrifice he can make.

Tinapik nito ang balikat niya. "No matter what happens, I'll be here to support you. Alam kong ikaw lang din naman ang pakakapag-alaga kay Jeanna. Kaya kung ako rin sayo, magsimula na kayong dalawa. I hope I'm not mistaken."

"I promise you're not."

Kieth can feel Jeanna's shaking hands on his shoulders. Hindi rin makatingin sa kanya ng diretso ang dalaga at para bang kabadong-kabado ito. Hindi niya alam ang dahilan pero hindi na iyon mahalaga-- ang mahalaga ay siya ang kasayaw nito. At hindi niya papalipasin ang gabing ito na hindi ginagawa ang payo ni Jeno. This is really the time to start over.

"You're shaking." He stated the obvious, trying to start a conversation.

Nag-angat ng tingin ang dalaga pero agad din itong yumuko. Napangiti na lang siya at hinawakan ang baba nito para iangat muli ang tingin sa kanya. Something tugged his heart the moment his eyes landed on hers. Kumunot ang noo niya dahil para bang may pamilyar na kung ano mang bagay ang nandoon.

"M-May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala." Agad niyang sagot. Ngumiti na lang siya ulit. "I hope you're not mad. I promised that not to go near yo--"

"Kanina pa kita gustong lapitan." Putol ng dalaga sa kanya.

Hindi niya mapigilang ma-ammuse at magulat sa sinabi nito na itinago na lang niya iyon sa ngisi. Namumula na naman ang mga pisngi ng dalaga at halatang nahihiya ito. Hindi niya alam kung anong meron pero masaya siya sa sinabi nito.

"Kieth..."

Damn. It was so good to hear his name again from her. "What is it?"

Huminga ng malalim ang dalaga at matapang na sinalubong ang kanyang mga mata. "Would you escape with me?"

Napataas ang kilay niya. "Escape? As in now?"

"Y-Yeah. R-Runaway with me, please."

No more asking. Hindi niya tatanggihan ang gusto nito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinala papunta sa exit ng lugar. Nagkakasiyahan naman ang lahat at hindi na niya pinansin ang mga kantiyawan ng mga pinsan niya.

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon