Three years later.
Ang preskong lamig ang tuluyang gumising kay Jeanna. Mataas na nga ang araw nang dumilat siya at nang hindi rin siya makagalaw ay alam na agad na niya ang dahilan. Sino ba naman makakagalaw kung kalahati ng katawan ng asawa mo nakadagaan sayo? Kusa siyang napangiti sa isipang iyon.
Kieth's face is buried on her neck while his arm wrapped around her possessively. Banayad pa rin ang paghinga nito kaya alam niyang mahimbing pa itong natutulog. Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ng asawa at sinubukang gumalaw. Pero gaya ng kadalasang nangyayari, mas lalo humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Why do you have to wake so early? It's a Saturday, sweetheart..."
Tuluyan na siyang napatawa sa pagrereklamo nito. "Kasi nga po magluluto pa ako. Then we will go to Mommy Kiera because she misses us so much."
"Hmmm..."
Hinila siya ito para siya naman ngayon ang nasa ibabaw nito. Napangiti na lang siya at hinalikan ang tungki ng ilong ng asawa. She love every morning with him. Kahit na nga ba hindi ito masyadong morning person kapag weekends.
"I love it when you look at me like that. Para bang ako na ang pinakagwapong nilalang sa mundo." Nakangising turan nito at kinindatan pa siya.
Napairap na lang siya sa kayabangan nito pero hindi na rin naitago ang ngiti. Totoo din naman kasi ang sinabi nito. "'Wag ka na pong mayabang at tara na bumangon. Magluluto pa ako ng breakfast natin."
"Ugh." Nagtakip ito ng mukha gamit ang unan.
Natawa na lang siya at pilit kinuha ang unang pinangtakip nito sa mukha. "Hindi pwedeng hindi pa tayo bumangon ngayon. Hindi ka na naman makakapagbreakfast."
Tuwing magiging abala kasi ito sa opisina ay hindi siya nito nasasabayang kumain. Kaya naman ang gagawin niya ay magpapadala na lang siya sa opisina nito ng pwedeng kainin. Gaya na lang kahapon na may kailangan pa itong tapusin kaya naman bago pa yata siya magising ay nakagayak na ito.
"I'm not hungry... At least, not for food." Seryosong sabi nito at tinignan na naman siya sa blankong ekspresyon.
Bumangon na siya bago pa ito may masabing iba. Alam na alam na niya kung ano ba ang ganoong titig ng asawa. "Bahala ka dyan. We can't this morning because I really have to cook."
Hindi naman maipinta ang mukha nito kaya natawa na lang na naman siya. Binigyan na lang niya ito ng mapang-asar na flying kiss at lumabas na ng kwarto. Ang unang bumungad sa kanya ay ang malaking wedding picture nila kaya naman lalo ng gumanda ang umaga niya. At iyon talaga ang dahilan kung bakit doon niya talaga iyon pinalagay.
She's still wearing Kieth's shirt from last night and all she was wearing underneath is her panty. Isa rin ito sa mga paborito niya sa umaga nilang mag-asawa kaya naman gustong-gusto niya itong nakakasama sa pagkain. She love teasing him especially that he loves seeing her in his clothes, too.
Itinali niya lang ang kanyang buhok pagkarating niya sa kanilang kusina at nagsimula sa kanyang magluluto.
It's been three years. Three blessful years with the man she love. Hindi man perpekto ang kanilang relasyon, wala pa rin siyang mahihiling na iba pa. They can't help but to fight about the simplest things or even argue about something but then Kieth won't let her sleep without them fixing their issue. Madalas doon ay literal siyang hindi patutulugin ng asawa dahil... Ahem next topic please.
They got married a year after he proposed. Iyon daw ang bagay na hindi nila kailangang madaliin dahil gusto nitong maibibigay nito ang lahat ng pinangarap niya sa isang kasal. But that was their church wedding. Bilang isa nga daw Montelvaro, ayon mismo sa asawa niya, ay hindi daw ito makakapaghintay pa ng isang taon para tuluyan siyang matawag na asawa. Sino pa ba naman siya para hindi ito pabigyan, hindi ba? Kaya naman pagkatapos ng proposal scheme nito ay agad din silang ikinasal sa huwes.
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...