Chapter Forty-Two: Found

24.5K 419 8
                                    

Hindi alam ni Jeanna kung paano niya napakinggan ang lahat ng iyon ng hindi man siyang nakaramdam ng kahit na anong galit. Kung iisiping mabuti ay magagalit man lang kahit paano kahit sinong makaalam na ginamit lang pala sila. Pero siya...

"That's basically what I told you before your accident happened a year ago." Pagtatapos ni Carlisle na para bang nabunutan na ng tinik.

Mas ramdam niya ngayon ang lungkot. Isang taon na ang nakalipas simula noon at sa hindi niya maipaliwanag na rason ay napakalaki ng panghihinayang niya. Sino ba naman ang niloloko niya? Alam na alam niyang mahal niya si Kieth... Si Kieth! Wala man lang itong kaalam-alam na hindi niya alam ang tungkol sa kanila noon? Tila lahat ng sakit at hinanakit na nararamdaman niya sa binata ay nawala na lang.

Tinapik-tapik ni JL ang balikat niya. "Naiintindihan ko naman, bestfriend, kung nahihirapan ka pang tanggapin 'to or whatever. Pero tama na 'yung isang taon! I love you so much and you're one step closer to your happiness. Piliin mo naman siya. Hayaan mo naman siyang mag-explain ng side niya sayo."

Napangiti siya at napayakap sa bestfriend niya. "I will go home first." Binalingan niya si Carlisle. "Thank you for telling me everything, Carlisle."

Paglabas niya ng cafe ay dumiretso siya agad sa kotse. Hindi niya alam kung bakit pero kailangan na niyang umuwi ng bahay nila.

A year ago, kung nalaman niya siguro ito ay baka nakaramdam na talaga siya ng galit. Pero ngayon ay mas naiintindihan na niya ang lahat. Mas malinaw na ito mas madali na itong tanggapin. Ang mga bagay na nagawa ng binata sa kanya ngayon ay mga bagay na alam niyang may dahilan at paliwanag. Ngayon ay kailangan naman niyang makinig. Tama si JL. Kailangan na niya itong bigyan ng pagkakataon.

Nang makarating siya sa kwarto niya ay agad niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata... Tama na nga ang isang taon. Kailangan na rin niyang pagbigyan ang sarili.

"It's normal." Tumango-tango ang doktor. "Based on your story, it's easily to say  it's trauma that caused you to choose this instead of going back. Lahat naman ng tao may limitasyon at ikaw, Miss Ana, ay nandoon ka na."

Ipinaliwanag sa kanya ng doktor na walang mali sa mga ipinapakita niya ngayon. She simply chose to ran away from the possible reason of the pain she is feeling right now. Tuwing maaalala niya ang dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag bumalik, sapat na daw na eksplenasyong iyon. Kung alam mong masasaktan ka sa bagay na pupuntahan mo, bakit ka pa tutuloy? Ipinaliwanag nitong umayaw na lang din talaga siya sa sakit na pwede na naman niyang harapin.

"Miss Anna, you're remembering some memories that you've forgotten about before. Maganda talaga ang recovery process at swerte tayo dahil may mga naaalala ka na pero..." Naglakad ang doktor at kinuha ang isang folder. "You still don't seem to remember things that happened just before your accident. 'Yun na lang naman at sasabihin ko na sayong maganda talaga ang results ng recovery mo."

"Doc Josh, am I bad for choosing to stay away?"

Ngumiti ang doktor at tinapik ang kanyang balikat. "You're not bad. You're hurt."

Ang katok sa kanyang pinto ang nagpabangon sa kanya. Hindi niya namalayaan tumulo na pala ang mga luha niya kaya naman agad siyang pumunta sa banyo. "Bukas 'yan." 

"Baby, are you okay?"

Agad siyang naghilamos at inayos ang sarili. Lumabas na siya at nginitian ang kuya niyang kunot na kunot ang noo. "Grabe naman 'yan. Okay lang ako pero ikaw mukhang hindi, kuya."

Naghalukipkip pa ito. "JeanJean called. I thought you have a problem."

Bigla siyang natawa sa sinabi ng binata. "Hindi ko naman alam na kailangan palang may problema ako kapag umuwi ako. I'm fine, kuya. Napagod lang ako kaya umuwi na ako."

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon