Napatitig si Kieth sa babaeng payapang natutulog na sa tabi niya ngayon. She looks so peaceful that he actually envies how she can sleep that soundly. Napailing siya at hinuling hitnithit ang sigarilyo bago ito tuluyang pinatay sa ashtray. Madaling-araw na at wala ng pag-asang makatulog pa siya rito—kailangan na niyang umalis.
Pinulot niya ang mga damit sa sahig at nagbihis. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong ginawa. He did this same exact thing that his actions feel like animated, like they are actually muscle memory by now. Sanay na sanay na siya sa ganito at sa malamang ay nasanay na rin ang kung sinong mga nakakasama niya. Hindi man lang niya sigurado kung may nauulit ba sa mga nakasama niya o wala.
How can he even know? They barely even talk and just proceed to sex, that's why he can't tell.
Kinuha niya ang cellphone at wallet bago umalis. Hindi na naman na niya kailangang magpaalam dahil para saan pa? Hindi nga niya maalala pati ang pangalan ng babaeng nakasama niya.
Hindi niya pa gustong umuwi sa kahit saang bahay niya. Sa totoo lang, bakit ba iisipin niya pang umuwi kung alam naman na niya kung saan siya pupunta? He can only go into one place and that is...
"You really didn't have to do this every single time." Bungad niya iyon sa driver niyang naghihintay sa kanya.
Ngumiti ito ng tipid at tumango, pinagbuksan siya nito nang pinto. "Madame, made sure that you'll verbally hear and know that she's asking when are you going home, sir." Nang pareho na silang nakasakay nang maayos ay pinasidad na nito ang sasakyan. "Tumawag rin po si Sir Genesis tungkol sa party mamayang gabi."
Tumango na lang siya at sinabing siya na ang bahalang sumagot sa lahat nang iyon. He simply instructed to go the same place. "Pwede mo na akong iwan doon. Don't kill yourself with fatigue, you can go home."
Sinubukan niyang umidlip sa biyahe pero wala rin namang nangyari, ayaw naman siyang dalawin ng antok. It would have been all better if his doctor just gives him higher dosage of sleeping pills. He's asking for that but his doctor kept insisting that it wasn't safe for him anymore. Ano pa ngayong silbi ng sleeping pills kung hindi naman iyon tatalab sa kanya? Not being able to sleep like this does take a toll on his body. Wala nga lang siyang magagawa doon at nasasanay na siyang mas madalas na siyang magkasakit ngayon dahil sa kakulangan ng tulog at pahinga.
Ipinaalam niyang tatawag na siyang kapag kailangan niya ito nang makarating sila sa destinasyon nila. Hindi na niya hinintay kung ano man ang sagot nang kanyang driver at dumiretso na sa bahay. He already owns a spare key, coming inside is not an uncovience to anyone anymore.
Gaya ng kanyang inaasahan, bumungad sa kanya ang mga damit na hanggang ngayon ay hindi pa natutupi, ang mga papel na hanggang sa sahig ay nakakalat, laptop na hindi man lang nai-shut down—at ang dalagang ngayo'y tulog na tulog sa sofa.
That made him smile. This is really the scenario he can really say that he got used to.
Tinanggal niya ang kanyang coat at inayos pahanggang siko ang mga sleeves ng kanyang suot bago nagpunta sa kusina. Not only that he started doing the dishes but he also did clean and organized everything else in the kitchen. Maging ang mga naipamalengke ay hindi man lang naialis sa mga paper bag.
"Alam mo, dapat talaga pa-swelduhin na kita."
He's hand, wiping the table, stopped upon hearing that. Ngumisi siya. "Did I wake you up again?"
Nakasandal ang dalaga sa doorframe at pinanood siyang ituloy ang ginagawa niya. "Siguro? Wala naman kasing ibang mag-iingay sa kwarto ko kung hindi ikaw lang ng ganitong oras. Nakakaloka 'ha!" Naglakad na ito papunta sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "Hmmm... warm..."
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...