Isang malaking ngiti ang pumaskil sa mukha ni Jeanna nang sa wakas ay makita na niya ang pinakahihintay niyang wedding invitation. Para siyang batang nagmamadaling tinakbo ang isle counter kung nasaan ang envelope at dali-dali iyong binuksan.
❛ Apollo Dimitri Ashford & Jean Lorianne Gallia Grey ❜
"Finally, finally, finally!" Tumatalon-talon niya pang hiyaw habang yakap ang invitation sa dibdib niya.
Wala talagang mapaglagyan ang kasiyahan niya ngayon dahil sino ba naman ang hindi magpapa-fiesta kung tuloy na tuloy na ang kasal ng pinakamamahal niyang childhood slash best friend niyang si JL sa long-time, on and off lover nitong si Apollo. Kung hindi pa dumating invitation ngayon, naipangako na niyang pag-uuntugin na niya ang dalawa! Deserve talaga niyang magpakasaya dahil for sure wala ng mas deserving pa sa sayang nararamdaman ngayon ng best friend niya!
"So, ikakasal na talaga si Jean-Jean."
Walang kupas ang ngiti niyang hinarap ang nagsalita. It was none other than her older brother, Jeno. "That is not even a question, kuya, and you already made it a statement—statement na super tama! Ikakasal na ang JL ko!"
Natawa na lang sa kanya ang kuya niya nang yugyugin niya ang mga braso nito. She could not physically stay still especially when everything was going on so well with the people she loves.
Jeanna and Jeno De Lara are co-owners of their family's restaurant chains, and, speaking of 'everything is going so well', successful ang kabubukas nilang branch na pinangunahan mismo ni Jeno. This is the first time her older brother has taken the lead. Mas trabaho kasi niya iyon dahil mas gusto ng kuya niya ang mag-focus sa pagkain mismo na sine-serve nila.
And, now, with her best friend's official wedding announcement, hindi na lalo mapakali ang mga kiti-kiti niya sa katawan. Sobrang excited na lang niya at sobrang ready na siyang maging Maid of Honor!
Sa sobrang saya niya, muntik na niyang makalimutang first love nga pala ng kuya niya ang best friend niya!
"OMG, kuya! Are you hurt that JL is finally marrying Apollo?!"
Alam naman na niya ang sagot sa sarili niyang tanong pero hindi niya mapigilang asarin ang kuya niya. Jeno was not very good at keeping secrets and was not really discreet about his feelings to JL—ang malaking problema lang ay hibang na hibang ang kaibigan niya sa lalaking talagang gusto nito. At first, it was so awkward trying to support her best friend with the man she wanted while silently comforting her own brother for his unrequited love—but that was all in the past now. Gaya nga ng sabi niya, alam naman niya ang sagot ng kuya niya sa tanong niya.
Ginulo ni Jeno ang buhok niya na para siyang isang bata. "My feelings for Jean-Jean were long gone, at alam mo naman 'yun—" Bigla nitong napagtantong nang-aasar lang siya. "—you're teasing me."
Humiwalay na siya agad sa kuya niya at tumakbo papunta sa kabilang side ng counter. "Anyway, how are you and ate? It's such a pity na wala siya sa opening. Hindi pa rin ba siya makaalis ng Japan?"
Matagal ng mayroong long-time girlfriend ang kuya niya at iyon talaga ang patunay na naka-move on na ito nang maayos sa best friend niya. Maging ang pang-aasar niya ang aprubado ng ate niya dahil naging isang malaking inside joke na lang sa kanila ang past feelings ng kuya niya.
Nasa Japan ang ate niya para sa academic masterals nito, at hindi nga ito nakauwi dahil nagkaroon daw ng konting problema ang dissertation na sinusulat nito. Hindi pa niya alam kung ano talagang nangyari pero sa huling narinig niya mula sa kuya niya, hindi lang din daw ito nakauwi dahil naman sa emergency ng lola nito doon.
She and Jeno did a short catching up before his phone rang. Para nilang na-manifest ang atensyon ng ate niya dahil ito ang tumatawag. Sumenyas na lang siyang okay lang na iwan na siya ng kuya niya para makag-usap ang mga ito ng maayos.
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...