Natatawang kumapit nang mabuti si Jeanna sa likod ni Kieth. For the second time, they are riding this playful man's big bike again and she has no idea where to. Malaking surprise daw kung saan sila pupunta kaya naman ramdam na ramdam niya ang adrenaline at ang excitement!
"Ready, sweetheart?" Nakangising tanong ni Kieth.
"Ready!" Sigaw niya at lalong napakapit nang mahigpit.
Deja vù.
Ganitong-ganito ang pakiramdam noong unang beses nilang gawin ito, noong tumakas sila. This same rush that made her heart beat wildly inside her chest. Itong-ito 'yung epekto ng lahat ng gagawin niya kasama ang binata.
Kieth has this undeniable effect in her on almost everything.
In all honesty, wala naman talaga sa itsura ng binata ang pagiging palasalita at palakwento pero hindi naman iyon ang nangyayari sa mga ganitong pagkakataong magkasama. Yes, she would always do most of the talking but it's okay; he's a good listener and he laughs at her lame jokes. Iyon ang pinakagusto niya, ang marinig ang tawa nito.
They were just laughing about something when they finally reached their destination. Bumalik na naman ang excitement niya!
"We're late and I'm sure our lady boss is going to be super mad." Kieth chuckles, scratching his nape. He smiles then takes her hand.
Wala man lang sa listahan niya ang isang resort sa mga posible nilang puntahan sa araw na ito, pero isa ito sa mga resort na hindi pa yata niya napupuntahan. The place is really beautiful, to say the least.
Nagbibiruan pa lang sila tungkol sa dress code ng resort dahil syempre wala naman siyang dala at mukhang hindi siya makakapagswimming. She's in her jeans and, of course, you can't swim in your jeans.
"But maybe we can break the rules. After all, I don't want anyone else gawking at your legs."
Lalo siyang natawa doon. Magulo pa sa magulo ang binata pagdating sa mga ganitong bagay pero natutuwa siya kapag parati itong ganito. Kieth, being a boyfriend, never dictated her in any way. Kahit na alam na niya kung gaano ito ka-"possessive", wala naman itong ginagawang "ikakasakal" niya. Yes, he would always tell her his rants about wanting her all to himself but the end of the day, he will never cage her. Magrereklamo ito pero alam na alam niyang gustong-gusto nitong ipinapakita sa mundo na siya ang girlfriend nito.
"Ano palang meron? Bakit tayo nandito? May event ba?"
Ngumiti na lang ang binata sa kanya, na para bang wala talagang balak sabihin sa kanya, at nagpatuloy sa palalakad. "They're waiting for us."
Naabutan nila sa cottage ang ilan sa mga pinsan ni Kieth. Nandoon si Gabrielle na kasama si Marceline Gallia—kaibigan ito ni JL na madalas niya ring makita kasama ang mga Ashford; si Francis na kasama naman si AD; at sina Giovann, Genesis, at Dylan na may mga kasa-kasamang mga dalaga rin maliban kay Giovann.
"Jeanna!" Bungad ni Dylan. "Namiss ko na 'yang katarayan mo!"
"Punta ka minsan sa resto at susungitan ulit kita. Don't worry, may free macarons ulit." Natatawa niyang bati sa binata.
Umupo na sila at nagsimula na ring kumain. Nakahain ang iba't-ibang seafoods at karne na sa hula niya ay si Giovann ang naghanda. Giovann is a chef and will probably get mad if he's not the one to prepare their foods on the table.
Madalas tumatambay sa resto niya ang magpipinsang Montelvaro na akala mo hindi mga busy sa kanya-kanyang mga buhay. She appreciated them for it. Lalo na at nakilala niya pa nang mas mabuti ang ito sa pagtambay nila doon.
"Ano ba talagang meron?" Nakalapit niyang bulong kay Kieth.
Kieth is already blushing from all the alcohol they've been drinking and she finds it really cute.
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...