Lahat ay hindi makapaniwalang nandito na nga ngayon si Jeanna. Kung kahapon ay nagtipon-tipon sila sa kwarto ng mga ama nilang napilayan, ngayon naman ay nandito sila sa kwarto kung saan dinala ang dalaga matapos itong mahimatay kagabi.
Kieth dwelt on telling his cousins about this but he can't hide something like this to them. Kahit ano pa man kasi ang nangyari, alam niyang nag-aalala ito sa dalaga. Jeanna met all of them and she was easily accepted as part of their clan. They all deserve to know.
Doon lang din niya napagtantong may mga messages pala siyang natanggap galing kay Demonique. She was already informing and confirming that this woman is indeed Jeanna, but he didn't get to read them.
Napailing si Dylan at napahawak sa kanyang batok. "She changed a lot. I mean, I can see her as Jeanna, but... I just really didn't expect her to look like this after all the waiting we did. Are we even sure she's really Jeanna? Like our Jeanna?"
"She just changed her hair color and she just looked more fiercer. Siya 'yan." Sabi naman ni Giovann. "But I do get your point."
"Red hair suits her. It's nice seeing that she's been trying new things for her own." Dagdag ni Genesis.
Si Zachary naman ang lumapit sa dalaga. Hindi ito nagsalita pero in-adjust nito ang dapat i-adjust sa swero ng dalaga.
Nasa isang gilid lang siya at pinapanood ang mga pinsan niya. Hindi niya alam kung ano o dapat bang meron siyang sabihin. Everyone is still overwhelmed as he is, and he agrees to evrything they are saying. Para bang ang layo ng nakilala nila Jeanna sa Jeanna ngayon sa harap nila. She does look good in her red hair.
Binanggit na niya sa mga ito kung paano niya nakita at naidala ang dalaga dito. Zachary already mentioned that he'll know who was the woman she was finding with last night. Nabanggit na rin niya ang tungkol sa pagpapanggap ng dalaga na para bang hindi siya nito kilala. They didn't say anything about that.
Dumating na ang nurse na dapat magrounds para sa dalaga kaya nagpaalam na rin ang mga pinsan niya. They aren't actually allowed to crowd her like this and it's time for them to actually leave because Zach can get in trouble for them.
Nang siya na lang ang naiwan ay para bang ibinagsak na lang sa kanya ang lahat ng pagod gawa ng hindi niya pagtulog kagabi at ng mga gabing nagdaan. He's just completely tired and stessed from everything. Pagod na siya pero para bang ang dalaga ang dahilan kung bakit hindi pa siya bumibigay.
Ilan beses na niyang inisip na babalik ang dalaga kahit ano pa man ang mangyari. Ang hindi niya pala nagawang pag-isipan ay ang kung anong gagawin niya ngayong nakabalik na nga ito.
What should he do from here onwards?
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Masaya siyang nakabalik ito at ligtas ito pero mas nananaig talaga ang galit sa kanya.
Ang dami niyang gustong itanong. Ang dami niyang gustong malaman. Ang tagal niyang hinintay ito at ngayong nandito na ang dalaga—para bang naipon ang galit sa kanya nang magpanggap itong hindi siya nito kilala.
Ganoon ba kalala ang nangawa niyang hanggang ay hindi niya pa rin alam kung ano? Ganoon ba ito kalala para ipamukha sa kanya nito na hindi na siya parte ng buhay nito ngayon at hindi siya ito kilala?
Galit siya pero nakikipagkumpetensya sa kanya ang sayang nandito na ngayon sa kanya ang dalaga.
Someone knocks on the door. This time it's his mother.
* * * * * * * * * *
Matagal na nakatingin lang sa dalaga ang ina ni Kieth. Walang salita o kahit ano pa man, nakatitig lang itong nakahawak sa kamay ng dalaga. He didn't know what to tell her. Maliban sa nasabi na niya kung paano niya natagpuan ang dalaga, hindi na niya alam kung ano pa bang dapat niyang sabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/52997649-288-k457431.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...