✓ Chapter Thirty-One: Feelings

21.3K 379 4
                                    

Kieth doesn't know if they really are the unluckiest ones when it comes to women, but it does seem to be the case. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang nakitang nasaktan ang mga pinsan niya. He felt that kind of devastation, too. Heto na lang din siguro talaga ang pinakamalaking patunay na totoo ang karma at karma ang laging nangyayari sa kanila dahil sa mga kalokahang pinaggagawa nila. This also makes them more human.

"Ang lalim naman ng iniisip mo."

He grins when AD walks to him. "You're here. How's the flight? Where's Kayelle?"

Kayelle, their princess, has something to do that's why she had to fly later than they did. Si AD ang nagprisintang samahan ang dalaga para naman hindi ito mag-isa. He was expecting them to come more later, but he guesses that AD used her own private plane to be here this early.

"She said she would sleep in first." Humalik sa pisngi niya ang dalaga. "So, bakit nga ang lalim ng iniisip mo?"

"It's not that deep really. I just kept thinking when you will ever see that Francis loves you."

Nakatanggap siya ng hampas sa braso sa sinabi niya kaya naman natawa na lang siya. It's almost sundown and their family party will start at dinnertime. Dapat ay naglalaro siya ngayon ng volleyball kasama ang mga pinsan niya pero may naligaw kasing batang kinailangan niyang tulungan. Then he got distracted by the people who were surfing. Hindi niya alam kung paano rin napadpad si AD kung nasaan siya ngayon.

What he said to her is truth too. Sa lahat naman sa kanilang magpipinsan, ang totoong "bestfriend" ni AD ay si Francis. The two have been inseparable since they were kids. Si Zachary ang makakapagpatunay doon. Lahat naman sila malapit sa dalaga pero iba pa rin ang samahan ng dalawang iyon.

Which brings him to his point—Francis has been in loved with AD since twenty-years something ago. Madalas nilang biruin ang dalaga tungkol doon pero hindi naman ito naniniwala. Plus, AD prefers women over men, so they really couldn't blame her if she will never see their cousin in a romantic way.

"I promised I will not ask you this, Kieth, but..." Pagbasag ulit ni AD sa katahimikan nila habang pinapanood pa rin ang mga nagsu-surf. "...what are your plans? I did make a way for you to start, but, seriously, what are you planning to do next?"

Hindi niya alam pero naintindihan niya kung ano ang totoong punto ng dalaga sa tanong nito. "Ashelee will back in no time, and I plan to end things with her the proper way when she does."

Tinignan niya ang ekspresyon ng dalaga. Hindi niya ito kinakitaan ng kahit anong emosyon. "I just hope that everything will go according to your plans." Bigla siya nitong hinarap at sinuntok sa dibdib. "Subukan mo talagang sayangin 'tong pagkakataon na 'to, ipakukulong kita!"

That made him just laugh out loud again. He just shook his head and told her that they should head back. Tumango na rin naman ang dalaga at sumama na sa kanya pabalik kung nasaan ang mga pinsan niya.

Right on time because his asshole cousins are already swarming his poor Jeanna. As if instinct, he went to take her away from everyone. Nagsimula na naman tuloy ang mga pang-aalaska sa kanya. AD is laughing her ass, completely enjoying what's happening.

"I'm taking her away from all of you."

Jeanna is laughing too, but he really did what he said. He took Jeanna away.

* * * * * * * * * *

Hindi alam ni Jeanna kung tama bang aliw na aliw siya kay Kieth ngayon. He just received a lot of teasing and she should be more to his side, but, seriously, she's like AD who's enjoying everything that is happening. Tama rin bang gamitin niya talaga ang salitang "cute" sa binata? Napaka-cute naman kasi talaga nito!

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon