✓ Chapter Thirty-Two: Love

19.7K 397 4
                                    

Hindi maalala ni Jeanna kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong klase ng saya. 'Yung saya ng pakiramdam nang napalilibutan ng pamilya. Tumawag na rin sa kanya ang Kuya Jeno niya kaya lalo lang nabuo ang gabi niya. Hindi talaga niya sigurado kung kailan pa ang huli pero masaya talaga siya ngayon dahil sa buong angkan ni Kieth.

Ngayon lang din talaga niya napagtantong si Kieth ang pinakatahimik sa kanilang lahat. Lagi niya itong sinasabi dahil kapansing-pansin naman talaga iyon sa binata, pero mas mapapansin pa pala talaga kapag ganitong kaharap niya ang mga nakababatang Montelvaro.

Wala na ang mga nakatatandang mga Motelvaro kasa-kasama ang mga asawa nito. Lahat ng mga ito ay talagang mababait at ni saglit na pagkakataon ay hindi niya naramdamang iba siya sa mga ito. Kaya naman ramdam na ramdam niya talaga ang saya ng mga malaking pamilya. Lalong-lalo na sa mga magulang ni Kieth. Kiera made sure to welcome her to her family like she really is Kieth's girlfriend.

That's one thing they will have to talk about. Hindi man ngayon pero, at least, pinapaalala niya sa sarili niyang kailangan nilang liwanagin ang bagay na iyon.

For now...

She will simply enjoy this night with Kieth and with everybody else.

Mahirap pa namang hindi mag-enjoy kung si AD at si Dylan na ang kumuha ng stage para maging MC sa mga nakakalokong palaro nila. Normal bang sa isang drinking game, hindi man lang bumababa ng kalahating milyon ang papremyo? Nakakaloka!

"How are you feeling?" Bulong ni Kieth sa kanya.

Na-gets naman niya kung bakit ganoon na ang tanong nito sa kanya. Hindi na niya nabilang kung nakailang glass na ba siya ng alak. She giggles and nods. "Very happy."

Okay. Maybe she is a little tipsy now because she can't help but to be happy with everything. She's genuinely happy being surrounded with family, pero ngayon tinanong na ng binata ang lagay niya, mukhang kanina pa nga niya tinatawanan ang lahat.

Ngayon lang din tuloy bumaling ang pansin sa binata.

Gwapo si Kieth. Hindi na yata mabibilang kung ilang beses niyang sinabi iyon pero napakagwapo naman kasi nito. Walang itatapon sa lahat features nito. Goodness, she feels lucky being able to stare at him this close. She also really likes his long hair, but now she's wondering how would this man look with a short style.

"Stare at me more and I'll kiss you."

"Go for it." Panghahamon niya pabalik at natawa siya agad nang makita ang ekspresyon nito. "Wait, wait, wait. Bago mo ako i-kiss, can I ask you something weird?"

Ngumisi nito at inubos ang laman ng boteng hawak nito bago siya hinarap ng mabuti. Nakikisali pa sila kanina sa mga palaro pero nauna na siyang sumuko dahil na rin sa pagod. Kaya naman ngayon ay nasa gilid na lang sila at nanonood.

"Ask that something weird."

She giggles and adjusts herself on her seat, too, so she's facing him better. "Do you have a picture with yourself in a short hair? I mean, you know, with the usual clean cut? Or perhaps you always had your hair long?"

Kieth chuckles and as if on instinct, touching his hair. "Don't you like my hair long?"

"No! Of course, I like your long hair. I think I will like your hair in whatever style as long it's what you want for yourself—"

"Just my hair? How about me? Do you like me?"

Oh, heavens above! Is this man seriously flirting with her like this? Damn! Damn, it's really effective because she swears she's smiling silly right now.

Kieth even licks his lower lip before removing his ponytail. "Come on, Jeanna. Do you only like my hair?"

Natawa na siya doon at nahampas pa niya ang braso nito. "Stop!" She giggles like a teen with her crush. Kinailangan niya pang mag-pause sa sarili para pigilan ang kilig niya. "Stop it. Stop changing the topic!"

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon