SC2: Kieth's version of heaven...
----------
"Ano ba naman 'yan? Hahahaha! Man up, Kieth! Ikakasal ka lang. Hindi ka bibitayin kaya tumahan ka na diyan!" Pang-aalaska iyon ni Dylan na tawa ng tawa.
Natatawang tinapik-tapik naman ni Gabrielle ang likod niya. "Ayos lang 'yan, bro. Ilabas mo lang 'yan."
Sa asar niya sa mga pinsan niya ay pinagmumura niya ang mga ito. Tinawanan lang siya lalo ng mga binata. Sa totoo lang ay kanina pa siya punas nang punas sa mga luha niyang kusang tumutulo. Ikakasal na siya sa babaeng mahal niya sa wakas at hindi niya maiwasang maging emosyonal.
Oo nga at lalaki siya pero talagang ganito siguro talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao.
Mabuti na lang ay napakalma na niya ang sarili niya pero hindi pa rin naman tumigil ang mga magagaling niyang pinsan sa pang-aalaska sa kanya. Kung hindi niya lang alam na masaya rin ang mga ito ngayong araw ay baka pinagbabatukan na niya ang mga ito.
Ang katok sa pinto ang nagpatigil sa kanilang lahat sa pag-iingay nila. It was the gorgeous AD who's looking as elegant as ever on her long gown.
"Mga putangina niyo! Inano niyo si Keith?!" Tanong nito agad na nagpatawa na naman sa lahat.
AD is indeed elegant except her mouth. Napailing na lang siya.
Inakbayan ni Francis ang dalaga. "Masyadong masaya kaya naiyak. Wala kaming ginawa."
Ngumisi ang doktora at nag-thumbs up. "I'll spoil something. Those tears are worth it dahil hindi rin mapatahan ang bride mo."
Lumakas ang tibok ang puso niya dahil doon. Jeanna is crying too?
Ang sumunod na kumatok at ang kanyang ama na.
"Is everyone ready?"
Lalong lumakas ang tibok ng puso niya. This is it.
~ ~ ~
Para bang mas hindi siya mapakali ng makatayo siya sa dulo ng altar. Kinakabahan siya. Masaya siya. Sari-saring empsyon ang nararamdaman niya. Mabuti na lang ay nasa tabi niya ang ama kaya naman kahit ay paano ay kampante siya na magiging maayos lang ang lahat.
Nandito na lahat ng inaasahan nilang bisita. Hindi naman ganoong karami ang kanilang bisita. Karamihan lang doon ay ang buo nilang pamilya. Ang mga pinsan niyang nakaupo ay mga nakangisi sa kanya. Ang ilan namang kasama sa mga escort ng kanilang mga abay ay ngiting-ngiti rin.
Nang tumugtog ang kanta para sa wedding march nila ay hindi na kumalma ang puso niya. Nangsimula ng maglakad ang lahat pero nasa iisa lang ang atensyon niya -- ang babaeng pinakamamahal niya na nasa dulo ng altar.
And when it is his Jeanna's turn to walk...
Hindi na naman niya napigilan ang sarili. Tumulo na naman ang mga luha niya at paulit-ulit siyang nagpapasalamat na nandito ang dalaga ngayon. He can see Jeno smiling too.
"Congratulations, son." Bulong ng kanyang ama at tinapik-tapik ang likod niya.
"Thank you, dad."
Hindi niya maihiwalay ang tingin niya sa magiging asawa. She's crying too and he badly wants to wipe those tears away. Jeanna is breathtakingly stunning in her wedding gown.
"H-Hey." Halos bulong na lang ni Jeanna nang marating ito sa kanya.
"I know you'll make my sister happy. Don't prove me wrong." Maikling sabi ni Jeno at kinamayan naman ang ama niya. "Sir, tito, I'll kill your son if he hurts my sister."
Natawa naman si Leonardo Montelvaro. "You have my blessing to do that, son." Tinanguan naman nito ang dalaga. "Welcome to the family, Jeanna."
Everything is perfect now that he has Jeanna by her side.
~ ~ ~
"I'm home!" Masayang anunsyo ni Kieth ng makapasok siya.
"Daaad!" It was his three year-old son to greet him.
Agad niyang binuhat ang anak at napahalakhak sa kakulitan nito. May hawak na naman itong kutsara at madungis na naman sa tsokolate.
"Mapapagalitan na naman tayo ni mommy mo, anak." Natatawa niyang hinalikan ang pisngi ng anak. Lalo itong humagikgik. "Kien Montelvaro, your mom will definitely kill us. Nasaan ba sila?"
Binato ng kanyang anak ang kutsara kung saan. "They're in the room with the big TV!!!"
Napangiti siya at naglakad na papunta sa kanilang entertainment room. Doon nga niya natagpuan ang mag-inang nanonood.
"Daaad!" Now it's his six year-old daughter to greet him.
Tumakbo din ito sa kanya kaya naman kinarga din niya ito. "My princess is getting heavy!"
"Hihi! Mommy told me to eat more e! We were watching your wedding din po! Si mommy kanina nag-cry."
"Well you really should, Keanna, and that's a little too much info for daddy." Ngayon naman ay ang kanyang misis ang lumapit sa kanya. Ngumisi ito. "Hi, daddy, welcome home."
He grins and put their children down to give her wife a proper kiss. "Hey mommy. Watching it again?"
Jeanna hugs him. "Yes and it feels like yesterday."
He hugs his wife back. This is indeed heaven to him -- where his family welcoming him home.
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...