Sa naaalala ni Jeanna, five years old sila noong una silang magkakilala ni Jean Lorianne, ang nag-iisa niyang best friend. Masyadong mahaba ang kwento ng pagkakaibigan nila, pero meron siyang pinakapaboritong memory kasama ito.
Katatapos ng recognition ceremony nila bilang fourth graders at naglalaro sila ng 'dress up' bilang panimula ng bakasyon nila. Ang scenario ng laro nila, ikakasal si JL sa poster ng artistang sobrang crush nilang dalawa. Suot ang 'gown' na gawa sa kumot, ready na si JL bilang isang bride at siya naman ang pari. Wala kasi noon ang Kuya Jeno niya kaya naman lahat ng supporting role ay siya ang gaganap.
The best part of that memory was not the fact that she witnessed JL as a bride for the very first time in this lifetime, but the moment that JL mentioned to her 'husband-to-be', the poster, that she would not be marrying a man who would not take her to complete the package. Talagang pinilit pa nito ang poster na tumango sa sinabi niya.
Sobrang bata pa nila noon pero tumatak talaga sa kanya ang eksenang iyon. It stuck to her to the point of knowing she would do the same—hanggang sa nandito na nga sila ngayon. This is their present now. JL is really a bride-to-be and they have established that no wedding will be happening without them having each other's backs.
Mabait na tao naman si Apollo Ashford, iyon ang pagkakakilala niya sa binata. Well, most part of her 'connection' with him was blurry. Ang pinaka-sigurado lang siya sa lahat ay baliw na baliw si JL dito. Sigurado rin siya na may times na hindi niya gusto ang binata para sa best friend niya dahil parang ang 'red flag' nito, pero sino ba naman siya para hindi suportahan ang kung anong magpapasa sa best friend niya? Over the years, she witnessed it all change and, now, they are here and she could say for sure that Apollo is indeed the man for JL.
Masaya siyang alam niyang sa saya na lang iiyak ang bride-to-be niyang best friend.
Speaking of JL being a bride-to-be, as promised, kung ano ang gusto nitong gawin para sa bridal shower nito ay gagawin nilang lahat. Kulang ang sabihing maraming kaibigan ang best friend dahil sa trabaho nito, kaya naman hindi na kagulat-gulat na mga kilalang personalidad na ang kasama sa two-day event na ihinanda nila.
From actresses slash models, designers slash business tycoons—their group of women here to love and support whatever JL wants to do was a very expensive entourage, and tonight marks one of the most-awaited parts off their 'bucket list'. Kaya niyang makipag-pustahan na makikipag-patayan ang kahit sino sa media makita lang kahit ano sa magaganap ngayong gabi.
Hindi niya namalayan na tumatawa na siyang mag-isa hanggang tignan siya ng ate niya, ang girlfriend ni Jeno.
"Natawa lang ako, ate, sa mga in-imagine ko..." Kinuwento niya ang tungkol sa naisip niya tungkol sa media.
Natawa rin doon ang ate niya. "Nako, talaga naman! Sa term pa lang na 'exclusive' ang mga mangyayari sa kasal ng dalawa, for sure ready na ang lahat sa katiting na information lang."
Siya mismo ang sumundo sa ate niya sa airport kanina kasama ang personal security team ni JL papunta sa venue nila. She kids no one out—JL's privacy was everyone's priority to keep everything she wanted to happen exclusive only to all the people she wanted to be with. Ibang-iba talaga kapag isang pinagkakamatayang aktres ang bride-to-be nila. Well, not to mention for every other person's privacy too, dahil nga hindi lang naman mga ordinaryong mamamayan ang entourage ng best friend niya.
Hindi pa alam ng Kuya Jeno niya na nandito na ang ate niya. Well, as JL said, everything is part of the surprises. Ang gabing ito rin kasi ay sorpresa nito sa groom-to-be.
"By the way, is there any news on your date?" Pagbabago ng topic ng ate niya.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Malalaman ngayong gabi, ate."
![](https://img.wattpad.com/cover/52997649-288-k457431.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...