Inabot ni Jeanna ang panyo kay JL na hindi na rin napigilang mapaluha. Nagbibigayan na ng mga vows ang ikinakasal na si Marcus at Marceline at halos lahat sila ay nadadala sa dalawa. Lalong-lalo na ang kanyang bestfriend na simula pa lang ay umiiyak na.
"Napakasaya ko for them. Sa wakas may forever na talaga si Tita Marceline ko, bestfriend." Halos suminghot-singhot pang bulong nito sa kanya.
Siya naman ay nadadala na rin ng mga emosyon ng ikinakasal kaya lang mas malaki ang epekto sa kanya ng binatang ilang metro na lang din ang layo sa kanya at mula sa pwesto niya ay tanaw na tanaw niya ito. Wala pa rin pinagbago. Napakagwapo pa rin niya.
Nang matapos ang kasalan ay lahat sila ay dumiretso na sa reception area. Hindi niya makasabay sa kasiyahan ng mga taong nandoon dahil nasa iba talaga ang kanyang isip. Kung hindi pa siguro siya hihilahin ng bestfriend niya ay baka nakatulala na lang siya habang iniisip kung paano lalapitan ang binatang kanina pa niya gustong lapitan at kausapin.
Paano nga ba niya lalapitan ang binatang kung tutuusin ay hindi alam kung paano kakausapin? Hanggang sa pag-iisip lang siya ng paraan kung paano ito lalapitan pero sa totoo lang ay wala naman siyang lakas para kausapin ito. Paano niya ba sisimulan na naaalala na niya ang lahat?
Marami siyang bagay na gustong linawin at malaman. Mga bagay na ngayon ay dahilan kung bakit may kirot pa rin sa puso niya. Naaalala man niya ang mga bagay na nakalimutan niya noon, may mga bagay naman nangyari na hindi pa rin malinaw. Gaya ng... sino ba talaga si Ashelee sa buhay nito?
"Jeanna, bestfriend, okay ka lang ba?"
Naputol ang kung ano-anong iniisip niya. "A-Ah oo naman."
Naningkit ang mga mata ng dalaga. Parang nawala ang mga mata nito dahil natural na chinita ito. "You don't look like you're okay. Pero if you say so."
Nginitian niya na lang ito at hinayaan munang puntahan ang asawa. Abala at nagkakasiyahan na ang mga tao. JL's husband, Apollo, is the brother of the newly-wedded husband Marcus Ashford. Marcus' story is quiet interesting too. Lalo na ang mga ikinuwento sa kanya ng bestfriend niya. Speaking of JL too, angat na angat ang ganda nito at hindi maiwasang ng karamihan na nandoon na bigyan ito ng atensyon. Her bestfriend is a former actress and she really demands attention.
Buti na lang at naalala na niya ang mga bagay na ito. It was very good to recall everything.
"Tell me, beautiful, you remember us do you?"
Napalingon siya sa nagsalita at tumambad sa kanya ang magandang doktora ng kanyang bestfriend. The one and only AD Asinas. "Masyado bang halata?"
Ngumisi ito. Isa pa ito sa mga naggagandahan ngayon. "You have that same sparks in your eyes the very first time we met. At hindi mo naman maitatanggi na kanina mo ba tinitignan ang gagong Montelvaro na si Kieth."
"Great to remember you, Dra. Asinas."
Natawa na lang ito at lumipat sa kanya para yakapin siya. "It's very great to have you back, Jeanna. Finally. Namiss ka namin."
"Please tell us this Jeanna here remembers us fully."
Napatingin siya sa mga bagong dating. Napangisi siya dahil sino ba naman ang hindi mapapangisi kung ang naggwa-gwapuhang Montelvaro ang haharap sayo? Bumitiw na siya sa yakap niya sa dalaga. "Hey, Dylan. Hindi mo man lang ba namiss ang free macaroons ko sa resto?"
"Oh shit! She remembers!" Hindi talaga makapaniwalang sabi ni Dylan. "May free maracoons na naman ako!"
Nagtawanan ang mga kasama nito-- sila Genesis, Gabrielle, Francis, Ren, Zachary, at Giovann. Talaga namang agaw na agaw din ng mga ito ang atensyon dahil gwapong-gwapo ang mga ito sa kanya-kanyang tuxedo. Wala ang iba ngayon pero alam niyang nasa paligid lang din ang iba ang Montelvaro. Lumuwang lang ang ngiti niya at isa-isa niyang tinanggap ang yakap at fist bumps ng mga binata.
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...