Chapter Thirty-Eight: Owned

24.4K 457 6
                                    

Nakatigin sa kawalan si Kieth. Kung may magtatanong sa kanya kung ano ba talaga ang laman ng isip niya ngayon, baka hindi niya rin masagot. Masyadong marami at nagsabay-sabay na ang mga iniisip niya.

Pero sa daming iyon, isa lang ang bukod tanging malinaw na gumugulo sa kanya. Si Jeanna lang.

Ang mga katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya. Nilingon niya ito. "Bukas 'yan."

Iniluwa ng pinto ang pinsan nilang prinsesa. "Hi kuya."

Napangiti naman siya agad. Lumipat siya sa sofa at sinenyas na maupo rin ito. "Hey, princess. What brought you here?"

"Ahmm..." Lumapit muna si Kayelle sa kanya at humalik sa pisngi niya. Naupo na rin ang dalaga sa sofa. "Well, Kuya Kieth, I kicked Kyren's butt just to spill it out of him that you're not okay."

Bumuntong-hininga siya at umiling. Isang araw mula noong lumabas ang lahat ng katotohanan at lahat yata ng pinsan niya ay kakamustahin siya. Hindi naman niya masisi ang mga ito sa awa sa kanya. Is he that pathetic right now?

"I'm okay, princess." Nakangiting sagot niya. "Busy lang talaga sa trabaho at marami pang kailangang gawin kaya stressed lang si kuya."

Ngumuso ang dalaga at kitang-kitang hindi ito naniniwala sa kanya. "I know this is all because of Ate Jeanna, kuya. But I'll just pretened that you're telling the truth about being stressed at all." Tumayo ito at kumandong sa kanya para yumakap. "Everything will be okay, kuya. You deserve it."

Niyakap niya pabalik ang dalaga at hinalikan ang noo nito. Nang lumayo ito at tumayo ay kahit paano napangiti na naman siya nito. Kayelle has been entitled as their princess and has been making them smile all the time.

"I'll be going now, Kuya Kieth, since you said you're stressed at work and you still have many things to do." Nandoon pa rin ang pag-nguso nito. "I talked to Nanay Marilyn that whatever happens she will make sure that you'll eat. I ordered foods already."

Muli siyang niyakap ng dalaga at umalis na. Buntong-hininga na naman siya at umiling. Ano bang lagay niya sa mata ng iba? Mukha na ba siyang may malubhang sakit at malapit ng mamatay?

Ilang sandali lang din ay may kumatok ulit at si Marilyn na iyon na dala na ang pagkaing sinabi ni Kayelle.

"Sir, kumain na po kayo." Nakangiting bungad nito at inilapag ang paper bag sa lamesa. "Kabilin-bilinan ni Ma'am Kayelle na kumain daw po kayo. Naku, sir, nakakatakot din 'yang si ma'am kaya kung ako sa inyo, kakain na po ako. O siya po, aalis na ako."

"Marilyn..."

Napahinto ang sekretarya niya at humarap sa kanya. "Po, sir?

"Sabayan mo ako."

Hindi naman nag-atubili ito at agad na inayos ang kakainin nila. Napangiti siya. Kung tutuusin ay parang anak na rin ang turing nito sa kanya habang nandito sila. Nakatingin lang siya sa pagkaing alam niyang wala naman siyang ganang galawin man lang iyon. Pero sinabi ni Kayelle na kumain siya at kakain na talaga siya.

Inabot ni Marilyn sa kanya ang kutsara at tinidor. "Kain na, sir, habang mainit pa."

Ganoon na nga ang ginawa nilang dalawa. Hindi niya mabigyan ng pansin ang lasa ng kinakain dahil para sa kanya ay wala lang iyon.

"Sir Kieth, alam niyo bang kailangan talagang maging komplikado at madrama ng buhay?"

Tinignan niya lang ito.

"Kasi, sir, hindi niyo malalaman at mae-enjoy ang buhay kung napaka-perpekto nito. Bibigyan at bibigyan ka talaga ng Panginoon ng mga pagsubok sa buhay. Lumapit na po ba kayo sa Kanya?"

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon