✓ Chapter Twenty-Four: Recall

20.6K 372 15
                                    

"Hoy! Wala akong sinabing pumayag ako sa plano niyo!"

Kulang na lang takbuhan ni Jeanna ang bestfriend niyang si JL, asar na asar na ito sa kakulitan at pagtanggi niya sa plano nito. AD, JL's OB-GYN slash friend, on the other hand, is just laughing her ass off. Paano ba naman ito hindi matatawa? Literal na naghahabulan sila ni JL pero hindi lang tumatakbo.

Ano ba talagang nangyayari? Ganito kasi...

She just finished her day of work. Aside from the great half day she spent with her now business partner Kieth Montelvaro, it was still a busy day with the remaining work hours. Hindi naman pwedeng hindi na siya kumilos matapos asikasuhin ang dapat asikasuhin kasama ang binata. Just when she was about to come home, JL already told her that she and AD are waiting for her.

Dali-dali pa siyang umuwi dahil ayaw naman niyang paghintayin ang dalawa ito. Kung alam lang na may masama pa lang plano ang mga babaeng ito ay baka hindi na siya umuwi!

"Anong masama kung gusto na kitang ibugaw, aber? Ayaw kong tumanda kang dalaga!" Sigaw na ni JL.

"I can marry when I want! Tsaka kahit kanino na 'wag lang kay Kieth Montelvaro!"

Now, that made both of the women stop. Hindi niya maintindihan ang halos parehong ekspresyon na ginawa ng mga ito pero nagpapakatotoo lang naman siya.

Hindi naman sa sinasabi niyang hindi magandang husband prospect si Kieth. Heck, she doesn't know him but he's a Montelvaro. Kaibigan na ng pamilya nila ang pamilya nito, plus points iyon na kahit paano makakapagpakalma sa kuya niya. Kailangan niya pa bang banggitin kung gaano kagwapo ang binata? Kieth is a fine man, damn, who wouldn't want to marry a fine man? Kailangan na lang niyang kilalanin ang binata para malaman kung papasa na nga ba ito para sa hinahanap niya.

"Why don't you want Kieth?" Si AD ang nagtanong, may pagkaseryoso na ang boses nito.

He couldn't help but to scratch her nape. "Kanina ko pa sinasabi na business partner ko siya."

Napa-ismid doon si JL. "Oh? Ano naman? Wouldn't be nice to marry someone who's already involved with your life?"

Gusto sana niyang sabihin na kapag trabaho lang, dapat trabaho lang; pero naunahan siya ng sarili niyang isip sa pagpapaalala sa kanya ng mga nangyari kaninang umaga lang.

She enjoyed her half day with Kieth. Kahit na nga ba halo-halo ang emosyon niya, kahit na nga ba sumakit pa ang puso niya sa hindi niya maintindihan na dahilan—masaya siya.

Is she going fast here? Hindi naman siguro. Wala namang masama sa sabihing naging masaya dahil sa nakasama niyang binata. It's normal to feel happiness with another person, right? There really was something with Kieth that instantly clicks with her. Regardless of having a feeling that the same man knows something about her that she doesn't even know herself—ang mahalaga, alam niyang madali siyang sumaya rito.

"Kieth has a g-girlfriend!"

Kung may iniinom lang siguro ang mga ito ay baka naibuga na nila sa sinabi niya.

AD is already making an O face, seriously surprised with what she said. "Say that again?!"

Bigla namang tumawa si JL na parang nagjoke siya.

Gulong-gulo siya sa dalawang ito! "I said, Kieth has a girlfriend. Meron na siyang girlfriend kaya hindi na siya pwede, ayan Tagalog na 'yan!"

Nilapitan na siya ni AD at biglang hinawakan ang balikat niya. This woman is really beautiful, but she can't be distracted! "Jeanna de Lara, listen to me well." She smiles, and oh gods above it was a very dangerous smile. "Kieth does not have a girlfrield. Walang girlfriend sir Kieth, ayan Tagalog pa!"

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon