✓ Chapter Thirty-Six: Slap

19.5K 413 16
                                    

Hindi namalayan ni Jeanna na nakatitig na lang siya hawak niyang picture frame kung hindi pa tatawagin ng Kuya Jeno niya ang atensyon niya. Ngumiti siya at agad na yumakap dito ng maupo ito sa tabi niya.

"What's wrong, bunso? Nag-aalala na rin ang ate mo kasi hindi mo man lang daw nabasan 'yung pagkain mo kanina. Should we bring you back in the hospital?"

Umiling siya at imbis na sagutin ang kahit ano sa mga tanong ng kuya niya ay iniba na lang niya ang usapan nila. "Naaalala mo pa ba noong kinuhanan 'tong picture na 'to?"

Ang picture na nasa picture frame na hawak niya ay ang huling family picture nila bago mawala ang mga magulang nila sa kanila. Nagpromise naman na silang magkapatid sa isa't isa na hindi sila malulungkot tuwing iisipin ang mga magulang nila pero hindi niya talaga maiwasang mag-isip ng mga "what if".

Jeno sighs then smiles. "I remember that time a little. I wish I remembered it clearer but who am I kidding? We're both too young then..." Huminto saglit ang kuya niya at hinalikan ang noo niya. "Jeanna, you can always talk to me, right?"

Wala pa man din ay naluha na siya. Hindi niya alam kung saan o kung paano magsisimula. Ang dami niyang gustong sabihin pero para bang hindi pa siya handang sabihin ang kahit ano. Hirap na hirap na siya sa sariling kalagayan ng isip niya.

Her head started hurting more the moment she started remembering the things she didn't know existed in her memories. Napakahirap sa kanyang pagsabayin ang pag-alala at pagtanggap sa mga bagay na hindi naman niya alam na nangyari sa kanya.

Iyon ang malaking dahilan kung bakit siya nagkukulong sa bahay nila ng kuya niya. Hindi naman niya gustong pag-alalahanin ito pero alam niyang masisiraan siya ng bait kung mag-iisa siya sa apartment niya. Wala si Henry para tulungan siya ngayon. Isa pa, napilit lang naman niya ang doktor niyang umalis ng ospital dahil sinigurado nitong may kasama siya.

Isang linggo na mula noong mahimatay siya at isang linggo na rin ang nakakalipas noong huli niyang makita si Kieth. Her heart aches just by thinking of him.

Paunti-unti ay may naaalala siya sa binata. Hindi pa malinaw ang lahat pero sigurado siyang magkakilala na sila ng binata noon pa. Hindi niya iyon inaasahan at hindi niya mahanap ang dahilan kung bakit hindi na lang ito nagpakilala sa kanya ng diretso. But despite all of that, something in her is glad that she know Kieth even from before.

Pero hindi pa niya kayang sabihin ang lahat ng ito kahit kanino.

"H-Hindi p-pa kasi ako ready, k-kuya..." humihikbing bulong niya.

Tumango naman si Jeno at niyakap na lang siya ng mas mahigpit.

Her heart is aching and she pushed all her emotions away into sleep.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Alam ni Jeanna na ang panaginip na naman niya ay kasama ang babaeng nagpunta sa kanya para sabihin nitong sisirain niya si Kieth kung hindi niya lalayuan ang binata. She woke up gasping for air and it took her a moment to realize that she's already in her bedroom.

Hindi niya kilala kung sino ang babaeng iyon at hindi niya alam kung bakit meron itong sex video kasama si Kieth. Yes, the video that woman showed her is a sex video of her and Kieth and she did threaten her badly to leak it if she doesn't comply.

Sa totoo lang ay hindi na niya maalala ang nangyari matapos iyon. Hindi niya alam paano haharapin ang binata kaya naman nang dumating ang kuya niya, dumiretso siya para sabihing ayaw niyang magtagal sa ospital.

Maling iniwan na naman niya ang binata ng ganoon pero mas naiyak siya nang malaman niyang ito ang tumawag sa kuya niya para humalili sa pagbabantay sa kanya. Kieth needed to do something and he didn't leave her alone. He made sure that someone will be there with her. Gusto na niyang makausap ang binata pero hindi niya pa talagang kayang harapin ito.

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon