Chapter Forty-One: Kieth

23.4K 409 3
                                    

NOTE: Thank you for everyone who are still waiting for the long updates. Pasensya na po talaga at enjoy na enjoy ang ko bakasyon. Hahahahaha! Sana na-e-enjoy niyo din po ang mga bakasyon niyo at happy reading! PS. I don't wanna spoil but the ending of Kieth and Jeanna's story is soon to end. :)

----------

Kieth Leandro Montelvaro's Point of View

"Chief..."

Napangiti ang matandang Romanov at tinapik ang balikat ni Frey. "We are terribly sorry, Mr. Frey Montelvaro." Ibinalik niya ang atensyon sa aming lahat. "Gentlemen, I am your cousin's boss. Probably it isn't a secret that your cousin is working as a secret agent and he may guessed it correct, right now. We are the ones responsible for Jeanna's missing whereabouts and current information before she came back."

Nandito kami ngayon sa conference room kung saan kami makakapag-usap ng mas maayos. I never really imagined that when we will finally have the chance to know what happened... Ito ang kalalabasan.

Hindi mawala ang mga sinabi ni Ashelee at hanggang ngayon ay kumukulo ang dugo ko sa kanya. Alam ko kung ano ang mga nagawa ko... at hindi ko inaasahang iyon pa ang magiging dahilan ng pagkawala ni Jeanna sa'kin.

Sigurong niligawan ko siya noon para matigil na ang lahat ng usap-usapan pero hindi na lang ito tungkol doon. I love Jeanna. I love her more than everything that I could possibly love in this world. Pero kasalanan ko rin pala ang lahat lahat.

"I would blame Miss de Lara. Kung kayo rin ang nasa kalagayan niya , baka iyon din ang gagawin niyo. Be glad that she even chose to come back." Seryosong sabi ni Henry.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Kagaya ko, wala ni isa sa amin ang naglakas ng loob na magtanong o putilin ang pagpapaliwanag nila. Walang nakakaalam kung ano ang dapat naming sabihin sa bagay na ito. 

Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "We rescued her from that car accident you might never knew."

Nagpatuloy ang pagkukwento niya sa kung anong nangyari. Sila pala ang nag-alaga at tumulong kay Jeanna. Sa loob ng isang tanong, sila ang nakasama niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at huminga ng malalim. I never really thought something like this might happen.

* * * * * * * * * *

"My mind is completely blown away." Zachary said in his hands-in-surrender pose. "Pero ang bottomline pa rin naman ay mahal nating lahat si Jeanna at ang mabuti ngayon ay pinili niyang bumalik."

Inubos ko ang laman ng bote ko at bumuntong hininga. Matapos naming malaman ang lahat, sa ganito pa rin pala kami mauuwi. 

"Maybe Jeanna really needed a break. Man, you're an asshole." Umiiling na sabi ni Dylan at tinapik ang balikat ko. "Napamahal na talaga siya sa atin pero hindi man lang natin na-realize na may trust issues pala siya."

Tumango naman si Ren. "Sabihin niyo lang kung papatayin na nating 'yang ex niya."

"Isama mo ako. Pero ngayon nasagot na rin ang tanong kung bakit wala tayong mahanap noon na kahit anong tungkol kay Jeanna." Nangising dagdag ni Frey.

Umiling ako na lang ako at tumungga.

"Hoy mga putangina niyo!"

Natigilan kaming lahat at nakuha na naman ni AD sa sigaw niya ang atensyon namin. Kanina lang ay tulog siya dahil pagod daw siya sa trabaho pero ngayon ay gising na gising na siya. Sumingit siya sa pagitan ni Francis at Genesis.

Ako na ang nag-abot sa kanya ng sarili niyang bote ng alak na agad agad din niyang nilagok.

"This will be a speech so you fucking Montelvaros should listen very carefully." Tumungga ulit siya na para bang tubig lang ang iniinom niya. "I like Jeanna for Kieth, period. Hindi niya kasalanan ang kung ano mang mga naging desisyon niya. Naapektuhan tayo, yes, pero pwede bang kalimutan niyo na 'yun? Nandito na tayo oh. Nandito na siya. Pwede bang itama mo na 'yang buhay mo at mahalin na lang si Jeanna? I really like her for you..."

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon