SC1: When mommy gets hungry...
-----
Napabalikwas ng bangon si Jeanna at wala siya nagawa kundi ang tumakbo sa banyo. Sobrang sakit na naman ng ulo niya at kagabi pa iyon ng walang matinong dahilan.
Except sa buntis nga pala siya.
Morning sickness? It's eleven in the evening for Pete's sake.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa bathroom floor at hindi niya rin namalayan na nakaidlip na pala siya hanggang sa may bumuhat na sa kanya. She's too dizzy to even look at her own husband.
"Sa susunod talaga patutulugin ko na si mommy dito." Bulong ni Kieth nang maibaba siya sa kama.
Jeanna managed to open her eyes a little bit. "A-Ang OA mo talaga."
Ngumiti ang asawa niya at hinalikan ang noo niya. Hinawakan nito ang pisngi niya hanggang sa bigyan na rin siya nito ng munting halik sa labi. "Hindi OA 'yun. Look what happened. Nakatulog ka na naman sa banyo. Are you still dizzy?"
Surprisingly, hindi na siya masyadong nahihilo. "Hindi na. Nagugutom na lang ako."
Kieth smile and chuckles. "Sige kakain tayo. Magbibihis lang ako."
And she did her favorite thing to do, to watch her husband change his clothes. At ideya ng asawa niyang maglagay ng cabinet doon kahit na may walk-in closet naman sila. Sabi pa nito ay para masanay na siya sa sexy back ito. Noong una ay tinawanan niya lang ito pero ngayon nga ay paborito na niyang gawin iyon. Ang titigan ito habang nagbibihis.
Hangga't maaari, iniiwasan na ni Kieth ang abutin ng ganito sa opisina. And he's always on time going home. Kaya lang ay naiintindihan naman niya lalo na kapag maraming problema doon na kailangan ang presensya ng asawa niya.
Nang makapagpalit na ito sa simpleng puting tshirt at PJs, parang nawalan na siya ng ganang kumain. Why does her husband has to be so hot?
"I've changed my mind. Come here instead."
Nginisihan siya nito pero ginawa pa rin naman ang gusto niya. Nahiga na din ito at siya na mismo ang yumakap sa asawa. In some fortunate times, gustong gusto niya ang amoy ng asawa. Iyon ang dahilan kung bakit magsha-shower na lang ito kapag nakatulog na siya. Kaya lang mas madalas na yata ang inis niya sa amoy nito kaya naman lagi niya itong hindi patatabihin sa kanya.
Napapaisip tuloy siya minsan kung paano siya natatagalan ng asawa niya.
"What are you thinking about, sweetheart?"
Napangiti siya at tinitigan ito pabalik. "Hindi ka pa ba nahihirapan sa lagay ko?"
Nakita niya kung paano naging seryoso ang mga mata nito kahit na nakangiti. "Wala akong sinabing madali. But I love you both so much that all becomes worth it. Sino ba naman tatanggi sa ganito kung mahal na mahal na mahal naman kita? And besides, mommy, future Montelvaro natin ang dala mo."
Natawa na lang siya kahit na ang lakas na naman ng tibok ng puso niya sa mga salita nito. "You and your words, Mr. Montelvaro."
"I love you." Nakakaakit na sabi nito sabay kindat pa.
Lalo siyang natawa at hindi na siya napigilan kundi ang pisilin ang pisngi ng asawa.
"A-Aray!" Nakangiwi tuloy nitong protesta.
Siya naman ang napangisi. "I love you, daddy."
Nang makita niya tuloy kung ano na ang ekspresyon ng asawa niya napalunok na lang siya. She was not supposed to be turned on with her husband's poker face but then...
BINABASA MO ANG
Owned by the Devil
General Fiction[UNDER REVISION] If fate has already been decided after Cinderella had her perfect shoes... there truly is no escaping the not-so-fairytale that comes next. * * * Jeanna De Lara is stuck to her past love. He was her first, at walang makasisisi sa k...