Chapter Thirty-Nine: Jeanna

23.1K 415 10
                                    


Note: This chapter is for every reader who got to this point! Maraming-maraming salamat po sa inyo na patuloy na nagbabasa, nagvo-vote, nagco-comment, nagfa-follow at syempre, nag-a-add ng OBTD sa kanilang mga Reading Lists! You've become one of my inspirations to write and continue writing. At shout out sayo na talaga namang naghihintay sa matagal na updates. Hahahahaha! Enjoy your vacation, guys! God bless! <3


- - - - - - - - - -

Jeanna de Lara's Point of View

Masakit ang ulo ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko sa bigat. Hindi ko masyadong maalala kung anong nangyari maliban sa nakakasilaw na liwanag na nakita ko. Sinubukan kong dumilat at napakurap-kurap pa dahil hindi pa ako sanay sa puting paligid ko.

Teka, nasaan na nga ba ako?

Bumukas ang pinto at isang nurse ang iniluwa noon. Nanlaki ang mga mata niya at agad na umalis para tawagin ang doktor.

Tinignan kong muli ang paligid ko. Kung may nurse na tatawag ng doktor, malamang nasa ospital ako. Hindi na rin naman iyon kailangang tanungin pa dahil sa kabuuan ng lugar, nasa isa pala akong private room sa ospital.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang lalaking naka-suot ng lab gown at 'yung nurse na sumilip kanina.

"Good evening, Miss Anna. I'm Josh, and I am your attending doctor. How are you feeling?"

Tinanong niya iyon habang inaayos ang dextrose na nakakabit sa'kin. Gusto ko sanang magsalita pero parang nawalan ako ng kontrol sa bibig ko. Masyado itong mabigat na para bang nagpahirap talaga sa'king magsalita. Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin sila.

Bumuntong hininga siya. "You're in the normal case, Miss Ana. I don't really expect you to talk after an almost a month comatose. But we are really glad to you are awake now. Na-inform na naman si Henry, Mr. Romanov rather, about this."

A month comatose? Henry Romanov? Anong... Para bang sumakit ang ulo ko at ang tangi ko na lang naramdaman ay ang nag-uunahan kong mga luha. Gusto kong magwala. Wala akong maalala! Wala akong matandaan! Bakit ako nandito? Anong nangyari sa'kin? Anong nangyari...

Para bang kumalma ang mundo ko. Tinignan ko ang doktor at may hawak siyang syringe na nakatusok na pala sa braso ko.

Unti-unti na namang nanlabo ang paningin ko...

Wala akong ideya kung gaano ako katagal na tulog pero nagising na rin na naman ako. Mas kalmado na ngayon ang pakiramdam ko.

"I'm glad you're awake now, Ana."

Nakuha nang pinanggalingan ng boses na iyon ang atensyon ko. Paglingon ko sa kung sino mang nagsalita ay bumungad sa'kin ang lalaking naka-bihis ng isang business suit. Tumayo na siya sa pagkakaupo sa sofa at lumipat sa upuang malapit sa kama.

"You can call me Henry. How are you feeling?"

Hindi ko siya kilala pero magaan ang loob ko sa kanya. "I-I'm feeling fine."

Ngumiti siya at inabot ang baso ng tubig sa bedside table. "That's really good to hear. Here, drink this."

May kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Para bang kung gaano siya kakalma ay magiging ganoong ka talaga. Alam kong dapat kong maramdaman ang kaba k dahil wala akong maalala pero nakatulong ang presensya niya dito. Uminom ako ng tubig at agad na nagpasalamat ng makaramdam ako ng ginhawa sa tuyo kong lalamunan.

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon