A/N: Hello!
Part 2 po ito ng Meron ka ng Iba by: Silent Sanctuary ☺
Para sa mga nabitin sa story na yun, Naisipan ko lang dugtungan.
Enjoy sa pambawi ko 😍
----
"Wake up! Princess Doc" ganyan ako gisingin ni manang Fe, parang personal yaya ko na sya dahil since 8 y/o ako inaalagaan na nya ako.
Umungol lang ako bilang tugon sa panggigising nya, sobrang antok pa ko dahil late na natapos ang meeting namin actually madaling araw na natapos.
"Princess Doc, bangon na! Di ba sabi mo magiging productive ka ngayong araw"
Dumilat naman ako at hinanap ang aling maingay sa kwarto ko, "Ya, shhh sobrang pagod pa utak ko" pagpapatahimik ko sakanya pero hindi naman ako galit lambingan lang namin iyon.
"Naku kawawa naman ang alaga ko, gusto mo ba iakyat ko breakfast mo?"
Nalungkot naman ako dahil ibigsabihin wala nanaman sila mama at papa kasi di nya ako pinilit kumaen sa baba.
Ibinangon ko ang ulo ko habang nakadapa para tangunhan sya pikit parin kasi ako. Tapos ay ibinagsak ko nalang sarili ko habang nakayakap sa unan.
"Princess Doc, eto na ang pagkain mo" ang bilis naman ni yaya, kinusot ko ang mga mata ko tska bumangon.
"Salamat po ate Fe!"
"Kumaen ka ng marami at ako'y baba na" nginitian ko lang si yaya dahil may laman na ang bibig ko.
Binuksan ko yung computer ko titingin ng mga updates, may mga message sa group namin nung highschool, reunion daw.
Scroll.
Scroll.
Scroll.Dami na nagbago di ko na nga mamukaan yung iba, ang bilis naman ng panahon sobrang busy ko ba sa trabaho at feeling ko wala na akong social life?
May nakita akong post ni Amy kasama si Bea at Ella sa Valkyrie, pinusuan ko nga. Nakakainggit naman tong mga kaibigan ko.
Bigla namang may nagvideo call saakin, si Ella! Kaya agad ko naman sinagot. At ayun nag-appear ang mukha ni Madam.
"DENNISE!!" Sabi nya at sobrang lapit ng mukha nya sa monitor na para bang palabas na sya sa monitor ko.
Kunwari namang tinulak ko sya sa bandang noo nya "OA mo parin Besh"
Kunwari naman hinimas nya ang noo nya, "mapanakit ka parin besh, kamusta ka na ba? Its been ages since huli kang nagpakita, nagparamdam"
"Minsan na nga lang ako maglike nahuli mo pa"
"Buti nalang talaga nagpuyat ako at naabutan kitang online, alam mo ba ang tagal na pending ng request ko sayo sa IG, i accept mo naman ako" ang daldal ni Ella.
"Haay nako! Besh alam mo namang wala akong social life as in literal"
"Oo nga kaya hindi namin malaman kung paano ka macocontact, busy narin sa mga buhay buhay"
"Anong busy, ikaw? Eh party kayo ng party nila bea"
"Ahhh! Hahaha, alam mo naman yung dalawang yun mga party girl nadadamay nalang din ako, wala ka kasi eh"
Napaisip naman ako, hindi lang naman kami ang magbestfriend noon ah! Nasaan na kaya sya, kamusta na kaya sya?
"Dennise! Hoy!" napahinto pala ako ng matagal at napansin ni Ella yun.
"Ahh sorry may naalala lang ako"
"Sino si Alyssa?" boom. walang preno, sobrang langis ng dila ni Ella.
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanfictionThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)