It is exactly two and a half years since the last time I hold her, I hugged her & kissed her. Sobrang miss ko na ang lahat saamin at excited na akong makita sya.
**7 years ago**
Nakipagkita ako sakanya sa coffee shop dahil nakipag-break na ko sa boyfriend ko at kailangan ko ng makakaramay pero nauwi lang sa pagtatalo namin tapos nagka-kasigawan na pala kami kaya lumabas ako at sinundan naman nya ako.
"Ang tanga mo naman!"
"What now?"
"Tanga ka na nga Manhid ka pa!" sabi nya saakin.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Sinasaktan ka na nga nya habol ka parin ng habol, ganyan ka ba ka desperate?" naiyak ako bigla sa sinabi nya at napasandal sa kotse ko.
Siguro naisip nya na sobra yung nasabi nya kaya bigla nya akong niyakap as in sobrang higpit.
"I'm sorry! ayoko kase na yung taong sobra kong pinahahalagahan at inaalagaan ay sinasaktan lang ng iba." nahinto ako sa pag-iyak at tumingin sa kanya.
"Ha~a-anong sinasabi mo?"
"Mahal kita sobrang mahal kita kaya tumahan ka na." sinabi nya yun at niyakap lang nya ulit ako.
**5 years ago**
"Hello! Meet me at the coffee shop 7pm, okay? I will be waiting for you."Hindi na nya ako pinagsalita at binaba na nya, it looks like she's in a hurry. Kaya pumunta na lang ako sa favorite naming coffee shop, nakita ko naman sya sa favorite naming spot.
"Oh! akala ko di ka na darating e."
"Sa'n ba tayo pupunta?"
"Sa freedom park."
"Oh anong meron?"
"Basta trust me!" sabay hila nya na ako at pumunta kaming freedom park. Pagdating namin ang cute ang daming balloons tapos napapalibutan ng mga christmas lights yung paligid.
Pero pag-lingon ko nawala sya tapos bigla naman lumabas mga friends namin may hawak silang tigi-tig-isang letters na ka lagay "C-A-N-Y-O-U-B-E-M-Y-G-I-R-L-F-R-I-E-N-D", Hala! tapos biglang tumugtog yung Patunayan ng Silent Sanctuary at kasabay nun lumabas din sya may hawak syang blue rose at lumuhod sya sa harapan ko at tinanong nya saakin yung nabasa ko.
That was the best decision I ever made ang sagutin sya at ang maging parte sya ng buhay ko.
**3 years ago**
"Hi bae sorry im late." ako.
"It's okay bae, eat your breakfast na muna bago tayo umalis ha."
"Sa'n ba tayo pupunta hindi pa nga nagapapakita yung araw oh!" habang sumusubo ako ng cake.
"Basta bae, dalian mo na lang, surprise."
Pag-katapos ko kumaen dali-dali naman nya akong hinila papunta ng kotse nya at mabilis nya pinaandar yung sasakyan.
"Bae we are not in rush, slow down" sabi ko sakanya.
"Uh sorry bae baka kasi hindi natin maabutan e."
"Osige babe pero slow down wala pa namang traffic e."
Nakatulog pala ko at ginising nya na lang nung nanduon na kami hindi ko na alam kung nasaan kami pero basta nasa taas kami kasi kitang-kita namin yung buong metro manila. Umupo kami sa harapan ng sasakyan nya.
"Bae oh!" sabay cover nya ng jacket nya saakin.
"Thanks bae, ano ginagawa natin dito?" sabay sandal ko ng ulo ko sa balikat nya, antok pa ko e.
"Watch ka nalng babe." nag-antay kami siguro mga 30 mins. din. Naka-side hug lang sya sakin at pinatong din yung ulo nya sa ulo ko.
Maya-maya pa nakita ko na kung ano yung ipinunta namin dito. Sobrang ganda ng paligid nung nag-sunrise na. Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko.
"Oh bae, ba't ka naiiyak?" sabay hinarap nya ako sakanya at pinunasan yung luha ko.
"Ah wala to bae sobrang na-touch lang ako sa ginawa mo." at kiniss ko sya sa lips, smack lang pero matagal. Tapos ngumit lang kami pareho at tinignan lang ang buong paligid.
(A/N: Play nyo yung song while reading para mas ma-feel nyo yung story) ---->
Straight from the airport pumunta ako sa favorite coffee shop namin, seating on our favorite spot here and drinking my favorite coffee waiting for her. I really missed her. Hindi naman ako nag-kamali dahil nakita ko ulit sya parang saglit na tumigil yung mundo, nakita ko ulit yung smile nya at gustong-gusto ko syang yakapin pero nagising ako sa katotohanan nung nilagpasan nya ako kasi ang totoo hindi na ako yung dahilan kaya sya nandito, masaya na sya ngayon sa bago niyang mahal. Naluha ako at bumalik lahat lahat saakin.
**At exactly 2 and half years ago**
"Ano Den may balak ka ba sakin sabihin lahat ng to? bakit kailangan sa iba ko malaman?"
"Ly I'm sorry alam mo namang eto yung pangarap ko di ba?"
"Bakit sa tingin mo ba pipigilan kitang gawin yung mga pangarap mo?"
"I'm sorry Aly kaya hindi ko sinabi sayo dahil hindi ko alam kung paano ko kakayanin na magpaalam sayo."
"Ehh ako Den sa tingin mo paano ko makakaya na paggising ko isang araw wala ka na sa tabi ko?"
"I'm sorry Alyssa!" niyakap ko siya sa likuran nya pero tinanggal nya lang yung mga braso ko. "Den kung hindi mo ako sinama sa mga pangarap mo hindi na rin kita isasama sa pangarap ko." tuluyan na syang umalis at naiwan akong umiiyak.
And that was my biggest mistake in my life. Hindi ko sya naisama sa mga plano at pangarap ko, nawala ako sa tabi nya nung kailangan nya ako. Hindi ko sya masisis kung may mahal na syang iba pero ang alam ko lang mahal na mahal ko parin sya at handa akong maghintay kahit sa kabilang buhay pa kami ulit magtagpo.
Tumayo na ko sa pwesto ko at pumasok sa sasakyan ko bago ako tuluyang umalis tinignan ko muna ulit sya kasama yung bago nyang mahal.
"Im sorry Alyssa, til' next time. I love you so much!" bulong ko sa sarili ko.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang mga salita ay parang toothpaste na natapon mahirap ng ibalik sa lalagyan."
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanfictionThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)