Versace on the floor by: Bruno Mars

2.1K 46 5
                                    

A/N: Surprise! Syempre kung may part 2 may part 3 para maganda ang ending.

Part 3 of  Meron Ng Iba by:Silent Sanctuary

Pwede na ba to pambawi sa mga slow updates ko? hehe.

Anyways, enjoy guys! 😘

-------

"Ly!" tawag saakin ni Laura. Nakatulala na pala ako, habang kumakaen kami ni Lau. Nagprepare kasi sya ng dinner.

"Yeah, sorry. Ano nga yun?"

"Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig eh" pagtatampo nya.

Agad ko naman hinawakan ang kamay nya na nakapatong sa mesa, "Lau, im sorry, sige na magkwento ka na ulit, marami lang ako naisip, about sa work"

"And kay Dennise" dugtong nya na ikinagulat ko.

"Ha? Ba't naman sya napasali sa usapan?"

"Ly, aminin mo na saakin, you still have feelings for her or maybe hindi naman nawala"

"Lau, Den is part of my past now"

"Past that still haunting you"

"Ano ba mag-aaway ba talaga tayo dahil dyan?"

"Aly, anong akala mo saakin manhid? Simula nung nagkita ulit kayo palagi kang wala sa sarili mo, alam kong pinipilit mo lang ang sarili mo na huwag syang pansinin kase nadito ako."

"Non sense Laura"

"Nakita ko kayo kagabi, gising ako nun , and now tell me that I am non sense"

Nagulat ako sa sinabi nya, nakita nya ang halik namin ni Den, "Lau aksidente lang yun"

"Aksidente pero hindi ka pinapatahimik ng puso't isip mo" nakita ko na ang luha sa mata nya.

Pinisil ko ang kamay nya,"Lau, please don't cry"

"Fine" sabay pahid ng luha nya, "Gusto ko tapusin mo na ang unfinished business nyo ni Den" at inalis nya amg kamay nya sa kamay ko.

"Pero kaibigan ko parin si Dennise"

"Well mamili ka Aly, hindi pwedeng dalawa kami"

"Laura! Please don't do this"

"Sa reunion nyo, hahayaan kita, hindi kita guguluhin para mapagisipan mong mabuti" tumayo na si Laura at agad na umalis.

Inaamin ko namang mahirap, si Dennise yung first love ko kahit pa sinaktan nya ako at si Laura naman ang bumuo sa nadurog kong puso noon. Nasasaktan ako, bakit kailangan may piliin ako.

*Araw ng  reunion*

Sakto lang ang dating ko sa reunion namin, isa lang agad ang hinanap ng mga mata ko, si Dennise. Pero naikot ko na ang buong venue pero wala sya, baka hindi na sya pupunta dahil sa last time na nangyari.

Siguro sign na rin ito na tapos na kami at si Laura na talaga ang para saakin. Nalungkot ako pero sa kabilang banda tama na din ang ganito, ayoko din kasi mawala si Laura saakin. Nilapitan ko ang mga dati kong teamates para mangamusta.

Pero ilang sandali lang may bumukas ng pinto nakaagaw ito ng atensyon dahil sa tunog ng glass door.

Sandali akong napahinto ng makita kong si Dennise ang iniluwa ng pinto, halos napangaga ako sa ganda nya.

"Ly diba ex mo yan?" Sabi ng isa kong teamate

"Ha? Ahh si Dennise? Oo" nagalanganin kong sagot

"Shit ang ganda parin nya, crush ko talaga yan dati" sabi pa ng isa

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon