Blue eyes Blue By: Eric Clapton (1)

4.6K 58 3
                                    

        Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sakanya, kailangan ko ba syang isumpa sa mga ipinangako nya saakin? Masyado akong naniwala sa pag-mamahal na akala ko forever na. Hindi pala dahil sobrang saya ay forever na.

        Madaya kasi ang pag-ibig eh pasasayahin ka nya ng sobra, ililipad ka nya hanggang sa langit then suddenly bigla ka na lang nyang ibabagsak, hindi mo alam kung kailan pero siguradong pagbagsak mo patay ka talaga at mahihirapan na ulit bumangon dahil parang naging paralisado na ang buong katawan mo, utak mo at ang puso mo. Hindi ka makapag-isip ng maayos kung bakit at ano ba ang nagawa mo, bakit ka iniwan ng taong ginawa mong dahilan para mabuhay.

        Dapat ko ba syang sisihin sa mga sakit na naramdaman ko? Kung ako din naman ang kusang nagpapasok sakanya sa buhay ko, hinayaan kong mahalin ko sya ng buong-buo at walang itinira para sa sarili ko kaya wala akong pagsisisihan dahil minahal ko sya sa paraang alam ko.

        ** 4 YEARS AGO **

"Surprise!"  sigaw nila pagkatanggal ng blindfold ko. Nagulat naman ako at napatakip ang kamay sa mukha at hindi mawala-wala ang ngiti saaking mukha.

"Happy Birthday Dennise!"  sabay halik sa pisngi ko.

"Salamat Ly, ikaw ba nagplano neto?"  tumango lang sya tapos niyakap ko sya.

"Haay! Nako ang daya nga nyan ni Alyssa kapag ikaw nagbibirthday sobrang effort nya pero kapag kami regalo lang?"

"Hahaha! Buti nga naalala ko pa!"  sigaw ni Alyssa kay Ella. At natuwa naman ako nung naisip ko na, oo nga noh bakit sya ganito saakin.

        Nang matapos ang kaunting party namin nag-uwian na ang mga bisita pero naiwan si Alyssa dito sa bahay para tulungan akong magligpit.

"Ly, bakit di ka nalang umuwi at magpahinga, ang dami ko ng utang sayo!"

"Sus! Alam mo namang malakas ka saakin eh!"  hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka-sweet saakin si Alyssa kahit pa alam nyang nung una ay naiilang ako sakanya dahil ang boyish nya.

"Pero Ly, salamat ha!"  tapos nagngitian lang kami at tinuloy ang paglilinis.

        **Phone Convo**

"Hello! Den, asan ka?"

"Andito ako sa mall, hindi ako maka-uwi, stranded wala na akong masakyan. Pa-low batt na rin ako. Mamaya ka na tumawag"

"Sige Den, inta--"

        **End of Call**

        At namatay na lang bigla ang phone ko pero akala ko talaga nun sa mall na ako magpapalipas ng gabi pero nagulat ako ng makita ko si Alyssa parang nawawalang bata, palakad lakad at mukhang may hinahanap kaya sinigawan ko sya.

"Alyssa!"  at agad syang napangiti at tumakbo palapit saakin.

"Haay! Salamat akala ko naman umalis ka na dito kanina pa kita hinahanap"

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon