A/N: Dahil unexpected ko napanuod si Alyssa at Amy kagabi sa banana split, nainspire ako gumawa. Naalala ko yung pagmemeet ni Aly at Angel eh! Wohoo!
Goodvibe story for you guys! Miss ko na ang AD .. ... T_T
————————————————-
Last game for first elimination round, it's La Salle vs Ateneo.
Fifth set. Kabado ang lahat dahil lamang ang la salle.
Nasa huddle sila dahil nag-time out si coach tai, nakatingin naman si Aly sa court di na sya nakinig sa pinaguusapan, nagtime-out lang naman talaga si coach tai para mawala ang momentum ng kalaban.
Nilalalaro naman ni Aly ang kamay nya na halatang kinakabahan, nang lapitan sya ni Den.
"Ly!" sigaw nito pero parang hindi sya nito narinig, hinampas nya si Aly, "LYSSA!"
Napalingon naman si Aly sa sigaw ng babaeng...ah basta, "Grabe naman Den kailangan sumisigaw?"
"Kasi muka kang natatae dyan" natatawang sabi nito.
"Kasi—-kaya ba natin? Lamang sila oh?" tska sila tumingala para makita ang score 10-6.
Hinarap naman ni Den ang babaeng...ah basta..at hinawakan sa magkabilang pisngi, "Ano ka ba andito ang team, and I got your back kaya palo lang ha!" at kinindatan nya si Ly at sabay na tumunog ang buzzer. Sabay-sabay na pumasok na ang mga player sa court at nagtiliian, nagsigawan kaagad ang mga tao.
Nasa front line si Aly, lumingon muna ito sa kinaroroonan ni Den.
Nakatungo si Den (yung usual na position nya kapag nag-aabang ng bola) napatingin din kay aly at bahagyang ginalaw ang ulo na parang sinasabing "we can do this" dahil sa gesture na yun ay nangiti si Aly at humarap na ulit sa kabilang court.
Kada-palo ni Aly ay napapatalon ang buong team at hindi magkamayaw ang mga fans nila. Nakalamang din sila sa wakas at agad naman napayakap si Den kay Alyssa, "Sabi sayo I got your back" bulong nito.
"Thanks Den" masayang ngiti ni Aly kay Den.
Last point na para matapos ang fifth set. Nakaabang ang kabilang team sa palo ni Alyssa kaya as a team captain agad nila binago ang plano.
"Ji, kay Bei" mabilis na sigaw ni Aly para ma-iset nya agad ang bola kay bea. At ayun palo ni Bea kuha nila ang last point and they swept the first elimination round. Nagtakbuhan ang lahat ng teammates nila papunta sa kanila.
(Play Media)
Nagyakapan at nagbatian ng congratulations. Gustong-gusto sana ni Den maunang yakapin si Aly pero naipit sya sa mga teammates nya, hinanap nya si Aly para batiin at yakapin pero pagkakita nya ay nahigit na agad ito ni Laura. Ang courtside reporter ng ateneo.
Habang sabay-sabay silang kumakanta ng hymn nila ay napansin ni Ella na naka-busangot ang mukha ni Den, "Hoy Besh chura mo nakikita ka sa tv" natatawang sabi nito.
"Ells naman eh!" reklamo ni Den, psulyap-sulyap it okay Aly at Laura na nagkukulitan habang nag-iinterviewhan.
"Ang bagal mo kasi eh!" sabi ni Ella at tumuloy na sa pagkanta.
Nang matapos ang hymn nila ay nagmadali agad si Den para mahabol si Aly kaso ng makita ni Den si Aly ay pinagkakaguluhan na sya ng fans na malapit sa court, binibigyan ng mga regalo at pinag-aagawan para makapag-papicture. Nakatingin lang sya habang papunta na ang buong team sa loob ng dugout.
"Hoy Den madapa ka!" sabi ni Ella.
"Si Ly kasi baka masaktan nanaman oh!" nguso ni Den kung nasaan si Aly.
Mabagal na tinutulak ni Ella si Den mula sa likuran, "Ano ka ba di ka na nasanay, at isa pa may mga bouncer naman, tara na ligong-ligo na ko eh!"
Nasa loob na ng shower si Den ng marinig nyang nakapasok na si Alyssa sa locker area nila.
"Congrats Aly, POG ka nanaman" pamilyar kay Den ang boses ng taong bumati kay Aly. Pinatay nya ang shower para marinig mabuti ang mga taong nasa labas.
"Yieee. May pa-flowers agad?" biro ni Mich. Taimtim lang na nakikinig si Den sa mga teammates nya sa labas ng shower.
"Expected ko naman na si Aly ang POG" bola pa nito.
"Sus! Salamat fred ha!" sabi ni Aly at mabilis na niyakap ito.
Napakunot naman ang noo ni Den, "kainis naman bakit ba ang daming nakaaligid kay Aly" mahinang bulong nito sa sarili. At muling binuksan ang shower nagmadali na ito para naman sa wakas makausap na nya si Aly. Pero nadisappoint nanaman sya ng paglabas nya sa shower ay wala nanaman si Aly kaya sinubukan nya ng lumabas ng dugout para hanapin si Aly.
"Besh! San punta?" sigaw ni Ella.
"Ahh mauna na ko sa bus ha!" pag-sisinungaling ni Den.
Halos maikot na ni Den ang buong arena pero wala syang nakitang Alyssa kaya tinotoo na nyang pumunta sa parking area at doon nakita nyang may kumpulan ng camera man at kaunting fans, unti-unti syang lumapit para silipin kung ano ang pinagkakaguluhan nila dun.
Nang makalapit si Den ay napa-face palm na lang sya at napabuntong hininga ng makita kung sino lang naman ang kasama ni Alyssa, si Ms. Angelica Panganiban na naka- team Alyssa shirt at lipstick na blue. *so tinotoo nya ang nabasa ko sa IG nya* napailing naman si Den, tska nya isinuksok ang earphones sa tenga nya at tamad na tamad na naglakad papunta sa bus nila.
Umupo si Den sa pangalawa sa dula na upuan at duon sya banda sa may bintana pero sa kabilang side na hindi sya kita ng fans. Maya-maya pa ay nag-simula ng mag-akyatan ang teammates nya rinig na rinig nya din ang sigawan ng mga fans sa labas. Nakapikit lang si Den ng maramdaman nyang may tumabi sakanya.
Napangito naman sya ng makita nya kung sino ito, "Haaay sa wakas!" mahinang sabi ng katabi nya.
"Pagod?" sabi nito.
Tumango naman ang katabi nya tsaka ito humiga sa balikat nya, "Congrats Aly!" sabi ni Den.
Inalis naman ni Aly ang ulo nya sa balikat ni Den, "And thank you Den kung wala ka di ko magagawa yung mga palo ko, Congrats" at hinalikan nito sa cheeks si Den at humiga ulit sa balikat nito at pumikit.
Inihiga na din ni Dennise ang ulo nya sa ulo ni Aly, as she listen to her ipod, "Everybody wants to steal my girl, everybody wants to take her heart away...couple billion in the whole wide world....find another one cause she belongs to me" ...Closed eyes she smiles.
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanficThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)