Tuliro By: Spongecola

4K 74 2
                                    

"Besh, ang ganda nya talaga no?"   eto habang dineday-dream ang pangarap ng buhay ko.

"Haay nako! kahit titigan mo ng titigan ang bilboard nyan kahit kelan hinding-hindi ka nya mapapansin"   sabi saakin ni Ella. Ouch naman!

"Grabe! syempre mangangarap ka na nga lang eh edi taasan mo na!"  sagot ko naman sakanya.

"Halika na baka kanina pa nila tayo inaantay, palagi na lang tayo dumadaan dito, sayang gasolina mo!"

"Haay nako! never para kay Alyssa. Bye baby!"   sabi ko habang nag-flying kiss sa napaka-laki nyang billboard.

"Maumay ka naman nakikita mo na nga sa school tapos halos sambahin mo na yang billboard nya Masama na talaga tama mo, Pa-check up ka na!"  kahit kelan kontrabida talaga to si Ella. Nag-drive na ako pabalik ng school, Oh! well ganito talaga ang routine ng buhay ko.

        Classmate ko si Alyssa valdez sa pitong subject, Oo hinanap ko lahat ng subject nya at pilit kong ipinapasok ang schedule ko sakanya para kahit malayo at least kasama ko sya isang tanaw lang di ba? Halos kumpleto ko din ang mga magazine kung saan naging cover sya, minsan nga kahit kaunting article lang yung about sakanya binibili ko parin basta malaman ko lang lahat tungkol sakanya. WAAAH! Oo alam ko iba na to pero eto lang talaga nagpapasaya saakin ngayon e.

        Pero ang nakakainis kapag nakikita ko sya or nakakasalubong sa school eh hindi man lang ako makapagsalita, natatameme ako, natutuliro.

"Excuse me! Excuse me po!"  I'm running late sa susunod kong class ng biglang *Blag* natumba ako at nagkalat ang gamit ko.

"Uyy! Miss sorry!"   nakita kong pinupulot din nya ang gamit ko, tapos nakita ko si..si...si Alyssa Valdez yung nabangga ko. OMG! Natigilan ako. Inaabot nya saakin yung gamit ko pero hindi ako kumikibo.

"Ahh! Thank you ha!"  si Ella na lang ang nagthank you kay Alyssa habang itinatayo at iniyuyugyog ako para matauhan.  "Hoy! Miss Lazaro! Mukha kang tanga bakit di mo sya kausapin kanina ka pa sya nagsosorry sayo!"  natauhan naman ako tapos nagpalinga-linga pero wala na sya.

"Haay Besh mukha akong tanga, hindi ko man lang sya nakausap!"  malungkot na sabi ko, tumayo na ko at naglakad na kami sa class ko. Sayang naman.

        Hindi ko nga maintindihan kung bakit gustong-gusto ko si Alyssa eh! Mapapansin nya ba ako? Eh sobrang sikat nya kaya tapos ako eto classmate nya lang at isa sa mga fanatic nya na sunod ng sunod sa mga games nya. Basta isang araw na lang nung naging classmate ko sya sa english literature namin napahanga nya ko dun sa poem nya, naalala ko nga natulala na pala ko sakanya tapos nalaman ko pang varsity sya ng volleyball,deans lister at kasali pa sa student council. Tapos ngayon commercial model na din sya. Oh di ba sino ba namang hindi maiinlove? Ang galing talaga ng my loves ko! Haay Gusto ko syang alagaan.

"Besh! Ang galing galing nya talaga noh?"  sabi ko kay Ella na busy sa pagkain nya ng icecream. andito kami sa bleachers para manuod ng training ni Alyssa pero syempre hindi lang ako ang nanunuod dun. Haay paano nya ba ko mapapansin?

"Ano ba yan Besh palagi mo nalang sinasabi yan, alam ko naman na magaling yang Alyssa mo eh! MVP nga eh!"  sabi ni Ella na may pag-irap pa, hahaha! alam ko namang sawang-sawa na sya saakin pero andito parin sya para suportahan ako.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon