Kwentuhan By: Sugarfree

6.1K 69 2
                                    

"Sorry ah! Tao lang ako, Edi kayo na talaga magaling!Bwiset kayong lahat!" sigaw nung isang babae na tila sobrang sama ng loob, napatingin ako sakanya.

Napatingin sya saakin "So~sorry! May tao pala" nahiya sya bigla. At tumakbo na sya paalis.

"Ahh eh! Miss!" Hindi ko man lang nalaman pangalan nya.

        Bumaba na din ako sa unit ko para maka-pagpahinga na din sobrang depress parin ako sa pagkawala nya kung pwede ko lang syang sundan ginawa ko na.

"Miss na miss na kita sabi mo hindi mo ako iiwan?" nagmumuk-mok nanaman ako dito sa rooftop. Umiinom mag-isa. Nang biglang nabulabog ang katahimikan ko.

"Hindi lang ikaw ang lalake sa mundo kung kaya mo kaya ko din!" at huminto sya saglit para umiyak.

        Sya ulit yung babae nung isang linggo ah! Unti-unti akong lumapit sakanya.

"Miss!" at tinapik ko sya sa balikat. "Tahan ka na!"

        Lumingon sya at nakita ko yung mukha nyang napaka-amo pero nalungkot ako dahil patuloy ang pag-daloy ng luha sa mga mata nya, kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung luha nya.

"Sa~salamat ha!" niyakap nya ako ng mabilis pero umalis din sya agad.

        Ang weird naman ng pagtatagpo naming dalawa, hindi ko pa rin sya nakakausap ng matino kelan kaya sya aakyat dun ng walang problema? Hindi ko din sya madalas makita dito anong floor kaya sya? 

        *knock-knock*

 "Kayo po pala, tuloy po kayo. Kumain na po ba kayo?" at umupo kami sa sala.

"Ah hindi na dumaan lang talaga ako para kamustahin ka."

"Ganito parin po, walang pagbabago, mahal ko parin sya."

"Aly, napaka-swerte ng anak ko sayo, sana mas matagal syang nabuhay para masaya kayo ngayon, hindi talaga ako nagkamali nung pumayag ako sa relasyon nyo."

"Kung alam nyo lang po kung gaano ko kamahal si Bang, sana nga po sumunod na din ako sakanya eh."

"Aly ano ka ba! Hindi naman yun gugustuhin ng anak ko, kung kaya ka lang nya makausap ka ngayon sasabihin nyang ituloy mo ang buhay mo at maging masaya ka."

"P-pe-pero parang hindi ko po kaya" niyakap ako ng mama ni Bang at sadali kaming naiyak.

        Magda-dalawang taon nang wala si Bang at parang magda-dalawang taon na din tumigil ang mundo ko parang wala na akong makikitang katulad nya. Miss na miss ko na sya.

"Psst." napalingon ako kung saan nanggaling yun at parang pamilyar saakin yung mukha nya.

"Okay ka lang?" sabi nya saakin at papalapit sya saakin, inaaninag ko parin yung mukha nya madilim na kasi at yung buwan na lang ang liwanag.

"Gusto mo ng kausap?" alok nya saakin at naalala ko na kung sino sya.

"Ikaw pala babeng badtrip sa mundo." at nginitian ko lang sya pero kumunot lang ang noo nya.

"How dare you!" sabi nya saakin.

"Di mo na ba naalala yung mga moments mo dito sa rooftop?"

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon