A/N: Sorry maikli lang ito, bigla lang pumasok sa isip ko eh sayang naman kaya ginawan ko na lang din. Hahaha! Oo na alam ko kulang ito sa pambawi ko ang tagal ko ng nawala. Salamat sa mga naka-appreciate ng "Playlist" ko. Busy lang talaga ko. *group power hug guys*
Yung nag-request sakin, sorry di ko pa magawa ha, soon promise! :-)
Play nyo na yung media :)
----------------------------
Aly: Sa wakas wala na akong kaagaw sa tv.
Den: Matatapos ko na din ang mga binabasa kong libro.
Aly: Makakapag-laro na ako ng video games kahit sobrang lakas ng volume.
Den: Mas makakaligo na ako ng matagal, wala ng mangiistorbo saakin maligo.
Aly: More spaces on my things.
Den: Wala ng mang-aasar saakin tuwing umaga, tanghali at gabi.
Sabi nilang dalawa sa mga isip nila habang pareho silang naka-higa sa kanya-kanya nilang kama. Parang batang gumagawa ng snow angel si Alyssa sa kama nya habang kinakausap ang sarili, nakatitig lang sa kisame ng kwarto. Si Dennise naman ay nakahiga lang din at may yakap na malaking unan sa ibabaw nya habang kinakausap din ang sarili.
Den: Nakakabwisit ka talaga Valdez, hindi lang ikaw ang may abs sa mundo! (at tinakpan nya ng unan angm ukha nya at nagsisipa)
Aly: Madami pa naman dyang magaganda eh, sexy, athletic at matalino, hindi lang ako sayo mababaliw ng ganito.
Den: Grabe ka! Hindi mo man lang ako tawagan?
Aly: At tinitiis nya talaga ako ah?
Den: Palibhasa alam mong patay na patay ako sayo!
Aly: Kase alam mong baliw na baliw ako sayo!
Patuloy parin ang pakikipag-usap ng dalawa sa mga utak nila pinipilit nilang magalit sa isa't isa kaya kung ano-anong kasalanan na lang ang hinahalungkat nila para lang magalit sa isa't isa.
Aly: (hinahampas nya ng palad ang noo nya) bobo valdez! isip ka ng isip wala ngang pakielam sayo inalisan ka na nga e!
Den: (Dumapa naman sya ngayon at nagpapapadyak) Hindi ka nga hinabol eh!
Aly: Nakakainis ka Dennise!Den: Nakakainis ka Alyssa!
Wala na silang masabi tungkol sa isa't isa dahil kahit pa sobrang galit sila ngayon alam nilang sobra parin ang pagmamahal nila sa isa't isa kesa sa galit na nararamdaman nila.
Aly: Pero sino na mag-aasikaso ng gamit ko?
Den: Sino na mag-aalaga saakin kapag nagkasakit ako?
Aly: Balik sa prito nanaman ako?
Den: Sino na susundo sakin kapag late ung duty ko?
Natigilan ang dalawa sa pakikipag-usap sa kani-kanilang sarili ng may marinig sila.
Inday: Ate nakahanda na po ang hapunan. ( at kumatok magkatapat na pintuan)
Sabay na tumayo sa kama ang dalawa halos hindi na pala sila nakakain at maghapon lang nakakulong sa kwarto ang dalawa. Halos sabay na nagbukas ang pintuan at pareho silang nagulat at nagkatinginan, nagkatinginan at nangiti silang dalawa.
Aly: Bwiset miss na kita! (at niyakap nya ang girlfriend nya)
Den: Nakakainis ka hindi kita matiis! (at hinalikan nya din ang girlfriend nya sa labi)
Inday: Nasa kabilang kwarto lang naman, miss agad? (tinignan naman ng dalawa ang kanilang kasambahay ng masama) Ah ehe! Sorry po, baba na kayo kakain na!
Pag-alis ng kasambahay nila ay natawa sila pareho, dahil ang totoo ang drama-drama lang nila hindi naman nila kayang panindigan ang maghiwalay talaga kaya sa tuwing nag-aaway sila aalis lang ang isa sa kwarto at lilipat sa kabila.
Aly: Ayan ang drama mo kasi baby! (sabi ni Alyssa habang nakayakap sa bewang ni Den at pinisil ang ilong nito.)
Den: (Sumimangot naman si Den) Ah ganun! Tiniis mo nga ako eh! (at bumitaw ito sa pagkakasabit nito sa leeg ni alyssa at tumalikod na at naglakad na pababa)
Aly: (Hinabol naman nya ang girlfriend pababa ng hagdan) Baby joke lang naman! Sorry na. (At niyakap nya ito mula sa likuran at hinahalik-halikan sa pisngi)
(Kunwari pang umiiwas si Den dahil gusto nya talagang bumawi sakanya si Alyssa)
Aly: Sorry na baby! (lalo nyang hinigpitan ang yakap sa girlfriend at patuloy na hinahalikan sa pisngi) baby! sorry naaaaa!!!
Den: (humarap sya kay alyssa at ngumiti) Oo na hindi naman kita matitiis eh! (at hinalikan nya si Alyssa sa labi)
Habang nagkikilitian ang dalawa, napa-iling na lang ang kasambahay nila at napakamot sa ulo.
Inday: Sana di ko na lang kayo tinawag! nakakaumay! (at tinignan lang sya ng masama ng dalawa at natawa silang dalawa sa kasambahay nilang saksi sa palagi nilang pag-aaway)
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanfictionThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)