A/N: Play Media.
“Tangina naman eh! Pakielam ba nila?” sigaw ni Alyssa habang hawak ang isang bote ng budwiser, umiiyak sya at kausap si Bea T. sa rooftop ng dorm nila.
“Hey!Aly, tama na” sabi nito at inakbayan ang kaibigan.
“Hindi Bei eh! Oo alam ko mali ang relationship namin pero sana wag na lang silang mageskandalo sa mga social accounts namin, di ba?” tumayo ito at tinanaw ang buong campus tska uminom sa hawak nyang bote ng alak habang umiiyak.
Agad din namang sinundan ni Bea ang kaibigan at hinaplos ang likod nito, ang totoo naawa sya sa kaibigan dahil alam nya kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito bago pa maipaalam kay Dennise ang nararamdaman nya at ngayon namang okay na sila ay marami nanamang balak gumulo sakanilang relasyon.
“Aly, last na yan ha! Kung gusto mo iiyak mo na lahat yan ngayon, isigaw mo kung gusto mo pero dapat bukas wala ng ganyan.”
“Pero bei alam mo naman na mahina ako sa ganito, ayoko din na nasasaktan si Den, lalo na sa mga sinasabi ng ibang tao” yumakap ito sa kaibigan at umiyak ng umiyak.
Sobrang nasasaktan kasi si Alyssa ngayon dahil nag-uumpisa pa lang ang relasyon nila ni Den ay ang dami-dami na nilang bashers.
Nakita naman ni Bea na umakyat si Den kasama si Ella, tinignan nya si Den at parang sinasabing pumunta sya dun at sya ang magpatahan sa girlfriend, inalis naman ni Bea ang pakakaakap nya sa kaibigan at ipinaubaya na kay Den si Alyssa. Sumama na pababa si Bea kay Ella.
“Babe, ano ginagawa mo dito” tanong ni Alyssa habang pinupunasan ang luha.
Nainis naman ng kaunti si Den ng makita nito ang mga bote ng alak, “Ikaw anong problema mo?”
Napayakap naman sya kay Den, “Sorry babe, napapagod na kasi ako patunayan sa lahat ng tao kung gaano kita kamahal, palagi nilang sinasabi na nadala lang tayo ng mga AlyDen fan natin”
Yumakap din naman si Den sa girlfriend at hinaplos ang ulo nito, “Shhh! Hindi mo naman kailangan patunayan sa lahat na mahal mo ako kasi napatunayan mo na saakin”
“Ayoko din na pinaguusapan tayo ng mga tao, ayoko naman layuan ka babe!” hagulgol ni Alyssa.
“Bakit ka naman lalayo saakin? Ha?” inilayo naman ni Den ng bahagya si Aly at tinignan ng masama.
Pinunasan naman ulit ni Alyssa ang mukha nya “Sabi kasi nila kuya, pahupain daw muna natin ang mga tao para makalimutan nila ang tungkol satin”
“Ganun, ayaw mo pala maging proud sa relationship natin?” tanong ni Den habang hinahawi ang buhok na nakaharang sa mukha ng girlfriend.
“Gosh! Dennise you don’t know how much I want to tell the world that you are mine”
“Yun naman pala eh! Bakit ka nagkakaganyan?”
“Because I’m afraid”
“Afraid of what?”
“Afraid that it might hurt you, I promise myself that I want to make you happy every day, simula ng naging tayo”
“You’re making me happy babe”
“How? Look at social medias they all hated us… being together”
“The hell I care about them? Babe, you are important to me, maybe they we’re jealous of us”
“Jealous?”
“Because phenom is my girlfriend and iron eagle is your girlfriend” pag-chi-cheer up nito sa girlfriend, oo nasasaktan din sya sa ibang nababasa nya pero nakikita naman nya na sinoportahan sila ng teammates nila, ng family and friends nila and that’s the most important thing for her.
Napangiti na si Alyssa sa sinabi ng girlfriend at kahit papano ay gumaan na ang pakiramdam nito kaya umupo na muna sila sa nilatag kanina ni Bea at Alyssa na comforter, naka-indian seat sya at nakapatong ang ulo sa balikat ni Alyssa.
“Babe, tama na ha! Don’t mind them, they don’t know about us, they don’t know how long we’ve been waiting for this, the only important is that we have each other, okay? I love you” at iniangat ni Den ang ulo nito at tumingin kay Aly.
Tinignan din nya ang girlfriend at hinalikan ito, “Thanks babe, having you beside me is more than enough, I love you too” at humiga ulit Den sa balikat nito kaya niyakap na nito ang girlfriend at hinalikan ang noo. “This feels so right.”
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanfictieThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)