Blue eyes Blue By: Eric Clapton (2)

3.2K 66 12
                                    

        Apat na taon simula ng iwanan ko ang taong sobrang nag-bigay ng kulay sa mundo ko, ang naglagay ng tugtog sa bawat awit ng buhay ko at ang unang tumanggap sa kung ano man ang tunay na kasarian ko. Nung naghiwalay kami nag-transfer sya ng ibang school at tuluyang akong nawalan ng connection sakanya. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at sinayang ko ang pagmamahal nya, tinapon ko lang lahat ng yun basta basta dahil lang natakot ako.

“Hoy! Lyssa”  at may humampas ng noo ko, langya si Kim pala.

“Si ano nanaman yang iniisip mo noh?”   tapos kinunutan ko sya ng noo at hinimas yung hinampas nya, grabe ang sakit ha!

“Hindi noh!”  palagi ko sakanya itinatanggi na si Dennise parin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon, si Kim ang naging panyo, diary at hingahan ko nung panahon na naghiwalay kami ni Dennise. Nag-iisip kasi ako kung sino ipapalit kong manager dito palagi ka kasing late”  sabi ko sakanya.  Sya ang co-owner ko dito sa coffee shop namin, naalala ko kasing mahilig sa coffee si Den dati kapag nagrereview kami sa mga coffee shop kami tumatambay kaya hoping naman ako na sana one day, kahit isang beses maligaw sya dito sa coffee shop namin. Malapit lang din naman ito sa former school namin.

                Isang beses nakahagilap ako ng balita kay Ella nung napadaan sya dito sa coffee shop, ang sabi nya tumuloy sa medical school si Dennise pero ayaw nya na lang sabihin saakin kung saan. Sinubukan ko syang hanapin sa mga social networking sites para kahit papaano makita ko sya pero mukhang hinarang nya na talaga lahat ng pwede kong maging komunikasyon sakanya kaya hinayaan ko na lang at pinilit mag-move on tutal kasalanan ko naman to kaya dapat panindigan ko. Sana hindi na lang ako naduwag noon edi sana masaya kami siguro ngayon. Wala eh hanggang puro sana na lang ako ngayon, wala na sya  and I need to deal with it.

 

                Pero isang araw dinig yata ng mga santo ang dasal ko, ang babaeng pinapangarap ko, ang babaeng tanging tinitibok ng puso ko ay nandito sa coffee shop ko. May nakita akong pamilyar na mukha pumasok dito sa coffee shop at umupo sa isang bakanteng lamesa hindi ako pwedeng magkamali, ang mahabang bukok na yun, mapupulang labi at mala anghel na mata nya, sya talaga yun…..si Dennise. Natanaw ko sya mula dito sa office na may one way mirror para makita ko ang ginagawa ng mga empleyado ko at ang buong shop na rin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung lalabas ba ako dito para lapitan sya pero anong gagawin ko? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya kaya naisip ko bigyan na lang muna sya ng coffee tutal mukhang nagiintay pa naman sya kaya pinaabot ko sa barista ang favorite nyang dark mocha frappe.

“Ma’am, may nagpapabigay po sainyo”  sabi ng barista, tinignan ko ang paligid pero wala naman akong matanaw na kakilala ko dito.

“Ah kanino galling ito?”  tanong ko sa barista.

“Ayaw nya pong magpakilala eh!” 

“Okay, pasabi salamat”  wow alam nya pa ang favorite drink ko sabi ko sa isip ko, umalis na ang barista at bumalik na sa counter. Napansin kong may nakasulat sa cup ko, “Nothings Change, Still the same”  nakasulat sa cup ko, sino nanaman kaya ito? Hindi ko naman maitatanggi na marami akong admirer pero minsan talaga natatakot na ko kasi feeling ko parang sinusundan na nila ako. Hahaha. Natawa na lang ako sa sarili ko sa naisip ko praning. Sa wakas dumating na ang inaantay ko.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon