Kiss Me (Never let me go) By: Yumi ft. Thyro

3.9K 70 1
                                    

A/N: Wooh! Sa wakas nagawa ko din itong request na to, im sorry  @iela_blue kung late, sorry din kung ganito yung story RATED SPG kasi ayun yung sabi nung song na request mo.

Anyways guys sorrykung hindi ako makapag-update ng marami. huhu! nalulungkot din ako kasi hindi ko kayo agad mapagbigyan sa updates.

Pero thank you talaga sa nakaka-appreciate nitong PLAYLIST ko, mahal ko kayo!

Oo nga pala more "AlyDen" moments nanaman ngayong season and last season narin nila together, haay! Pero on the bright side 3-0 ang ADMU, yehey! #OBF

patawad hindi ako magaling gumawa ng bed scene, huhu :-(  

pero sana magustuhan nyo :-)

--------------------

Isang bote na lang sabi ni Alyssa sa utak nya pero habang tumatagal ay napaparami ang iniinom nya dahil hindi mawala sa isip nya ang mga sinabi sakanya ni Dennise.

“Hindi pwedeng maging tayo, bestfriend kita!”

“Hindi pwedeng maging tayo, bestfriend kita!”

“Hindi pwedeng maging tayo, bestfriend kita!”

“Hindi pwedeng maging tayo, bestfriend kita!”

“Hindi pwedeng maging tayo, bestfriend kita!”

“Hindi pwedeng maging tayo, bestfriend kita!”

Mag-iisang linggo na syang ganito habang inaalala nya ang mga salitang yun ay lalo lang syang naiiyak kaya mas gusto nyang lunurin ng alak ang sakit na nararamdaman ng puso nya ngayon. Hindi nya alam kung paano sya uuwi  dahil walang nakakaalam kung nasaan sya ngayon. Mag-isa lang sya sa lamesa at pinagmamasdan ang mga pictures nila ni Dennise. Hindi maubos-ubos ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nya.

Hindi nya malaman kung bakit sa dinami-dami naman ng pwedeng gustuhin ay si Dennise pa ang nagustuhan nya, bukod sa pareho silang babae ay BESTFRIEND nya pa. Halos magsasarado na ang bar nung umalis sya. Pagewang-gewang sya sa paglabas ng bar papunta sa sasakyan nya.

“Dennise Masaya ka na ba?”

“Tignan mo ginawa mo saakin?”

“Perfect!”

Habang natatawa si Alyssa habang iniisip nya kung gaano sya ka-wasted ngayon. Nang makarating sya sa kotse nya ay umub-ob ito at naiyak.

“Mahal kita Den eh! Mahal na mahal kita!”  at pumasok sa sasakyan nya. Hindi malinaw ang nakikita ni Aly dahil bukod sa nahihilo ito sa tama ng alak sakanya ay malabo din ang mata nya dahil sa luha na humaharang sa mga mata nya.

“Gago ka kasi hindi ka marunong pumili!”  sabi ni aly habang sinusuntok ang dibdib kung saan malapit ang puso nya. Binilisan nya ang takbo ng sasakyan nya. “Gusto mong mawala na ko ng tuluyan sa buhay mo Den? Sige”  at lalo nya pang binilisan ang takbo ng sasakyan nya ng biglang binusinahan sya ng isang malaking truck na makakasalubong nya sa isang junction. Napapreno agad si Aly at napahinto sya saglit dahil sa kaba na naramdaman nya, natulala sya at unti-unting natawa, tumatawa sya at dahan-dahan ding napapaluha dahil naalala nya kung bakit sya nagkaganun. Pinaandar nyang muli ang sasakyan nya at nagulat na lang sya kung nasaan sya ngayon.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon