Naisip ko bakit pa ba kami binigyan ng pangalawang pagkakataon kung hindi din naman pala nya ako mapapatawad. Para saan ang pagkikita naming muli? Siguro dahil na din sa mga nakaraang hindi naipaliwanag at mga sugat na kailangan na talagang hilumin, wala namang ibang gagamot nun kundi kaming dalawa lang, kailangan lang maging malinaw ang lahat. Masaktan ulit para malaman kung ano ang mga nagawang pagkakamali at ma-realize na talagang nagmahal ka ng totoo kaya kailangan mo masaktan para malaman mong buhay ka talaga.
Pagkatapos ng gabi ng komprontasyon namin ni Dennise, masugid ko syang sinuyo para maibalik kahit ang pagkakaibigan namin pero patuloy ang pag-iwas nya saakin. Sa umaga dadaan ako sa condo nya para dalhan sya ng breakfast, kapag naman nasa ospital sya di ko sya nakakalimutang padalhan ng lunch or snacks pero ang sabi ni Ella ni hindi man lang ito pinapansin ni Dennise at sa gabi naman inaantay ko pagkalabas nya sa ospital para ayain syang mag-dinner pero kung hindi nya ako tatanggihan ay may iba naman syang kasama. Matiyaga kong ginawa iyon para lang makuha ulit ang tiwala nya. Kahit na minsan nakakawala na ng pride at nakakasira na ng pagkatao ay ginagawa ko dahil mahal ko sya.
Pero nang malaman ko kay Ella na sinagot na ni Dennise si Myco duon lubusang gumuho ang mundo ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Nagpakalasing ako at halos hindi na ako mapakinabanggan ni Kim sa coffee shop namin. Isang gabi sa sobrang galit ko kay Dennise pinuntahan ko sya sa condo nya.
"Kuya, kay Dr.Lazaro!" sabi ko sa guard na bantay ng condo. Pero pinagbawalan nya akong makapasok dahil alam nyang lasing ako at bawal naman talaga ang outsider kapag wala namang kasama na taga-duon sa condominium. Pero nagpupumilit akong pumasok hanggang nagkaroon na ng pagtataboy saakin, saktong dumating naman si Ella na kakagaling lang sa duty nya.
"Alyssa!" bulalas nya dahil nakikita nyang buhat na ako ng dalawang guard. Nakita ko sya at napatakbo sakanya.
"Eto oh! Kilala ko to si Ella, hik! Taga dito sya kaya papasukin nyo na ko, hik!" paliwanag ko sa mga guard. At kinuha na ako ni Ella sa mga guard at hinayaan na kaming makapasok. Pagdating namin sa unit nila wala naman pala dun ang babaeng hinahabol ko. Narinig kong tinawagan ni Ella si Kim para sunduin ako.
"Ano ba Alyssa ang problema mo? Di ba eto naman ang gusto mo?" inis na tanong saakin ni Ella.
Hinarap ko sya at hinawakan sa kanyang mga braso, "Hindi ko ginustong mawala si Dennise, naging duwag lang ako Ella pero mahal ko sya mahal na mahal, tulungan mo naman ako Ella oh!" pag mamakaawa ko sakanya habang umiiyak na na parang bata sa mga balikat nito.
Hinahaplos nya lang ang likod ko, "Pero Ly masaya na sya ngayon eh! nahuli ka na." masakit pero hindi ko parin matanggap.
"Pero Ella bakit kailangan pa ulit kaming magkita? Bakit? Sana hindi na lang para hindi na ako umasa." patuloy lang ang paghagulgol ko ng biglang dumating na si Dennise at halatang nagulat dahil andun ako.
"Anong ginagawa nya dito?" galit na tanong ni Den kay Ella at ibinagsak lang ang gamit sa lamesa. Napatakbo ako sakanya at niyakap ng mahigpit.
"Den, patawarin mo naman na ko oh! Mahal na mahal kita, akin ka na lang ulit, please!" pero pilit akong itinutulak ni Den. "Dennise, please! stay with me." patuloy ang pag-agos ng luha ko pero ang kausap ko parang sntigas lang ng bato na wala man lang reaksyon.
BINABASA MO ANG
The Playlist
Hayran KurguThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)