Maniwala ka Sana By: Parokya ni Edgar (3)

3.7K 59 0
                                    

        Inaantay ko na si Dennise dito sa labas ng bahay nya may dinner kasi kami at ngayon ko na din balak umamin sakanya. Paglabas nya ng bahay, natulala sa nakita ko. Ang ganda naman nya. Naka-dress sya na baby blue ang color tapos naka-clip lang yung buhok nya at light make-up kahit pa naka-sneakers sya eh lutang na lutang yung ganda nya.

Snap of her finger, "Valdez? Tulo laway ah?" at bigla akong natauhan.

"Sira weird mo kasi naka-sneakers ka!" sabi ko na lang saknaya.

'Ah hindi kasi ako sanay sa mga heels eh! Sorry gusto mo ba magpalit ako?"

"Ah No! It's okay, your stunningly beautiful!" sabay abot ko ng rose sakanya.

"Wow! Iba ka talaga kaya pala dami mong nabobola eh!"

"Sira! Lika na nga!" at inalalayan ko sya sa pagpasok nya sa sasakyan. Excited ako kasi nag-ready ako kaka-ibang date namin salamat sa tulong ng aking mga kaibigan.

        Dito kami mag-didinner sa clubhouse ng village malapit sa pool binayaran ko pa yung bantay para lang magamit ko to ha!. Nagpalutang kami ng mga kandila at bulaklak sa pool. Naisip ni Kim na lagyan ng flower petals ang paligid ng table namin ni Den tska lagyan ng mga candles ang palgid, infairnes kay Kim ha! Si Mika naman nagluto dahil hindi ako marunong. Si Ara naman binigyan ako ng wine. The best talaga mga bestfriend ko. 

Pagbaba namin ni Den nilagyan ko muna sya ng blindold"Hoy! Valdez mga kalokohan mo! Mamaya hazing to  ah! Lagot ka saakin." natawa ako sa sinabi nya.

"Oo ikaw kasi recruit ko eh!" biro ko sakanya.

"Hala grabe ka valdez!" tapos inaabot nya ko para hampasin.

"Joke lang, kabado ka masyado! Trust me naman kahit minsan oh!"

"Grabe ka Valdez! Pa-sabik ka dito lang pala!" sabi nya nung pagkatanggal ko nung blindfold nya. 

"Grabe ka! Nag-effort naman ako kahit dito lang!" nalungkot naman mukha ko.

"Uyy! Sorry!! SORRY!" tapos inakbayan nya ko at tinusok tusok yung pisngi ko. Grabe kinilig ako, magtampo na lang kaya ako buong gabi? haha

Tapos pinisil ko ilong nya, "Oo na pero sana natuwa ka, tara kain na tayo!" at inalalayan ko ulit sya umupo.

"Taray ikaw nagluto?"

"Ah! hehe. Hindi eh bestfriend ko, sorry wala talaga akong talent bukod sa sports." napakamot ako ng ulo.

"Ah kaya pala masarap!" 

"Ang hard mo sakin kanina pa ha!"

"Ito ang seryoso masyado, lika sayaw na lang tayo!" yaya nya sakin.

"Sayaw eh wala naman sounds!"

"Edi sa cellphone ko" at iwinagay-way na yung phone nya.

"I don't dance, Lazaro!"

"Ay ang damot mo!" then nag-pout sya, grr ang cute nya.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon