Bluer than blue By: Michael Johnson

3.8K 80 8
                                    

A/N: This song is requested by @samantha jewel ... sorry kung super late na! Thank you sa support mo :)

Nakakatuwa lang kasi yung last na request sakin "Blue eyes blue" ngayon naman "Bluer than blue" yung totoo anong meron sa "BLUE?"  haha. Anyways masaya parin ako kasi sa wakas nagawa ko na ang request na ito.

Thank you nga pala dahil nagustuhan nyo yung "Akin ka na lang ng Itchyworms"  ..*powerhugs*

Sorry nga pala kung medyo not so happy ending mga stories ko kasi medyo masochist ako, haha. Mas gusto ko lang ng mga sad ending ng story para mas maramdaman ko yung pagmamahal. Ya'know? Oh sya masyado na itong mahaba.

Love you guys!

----------------------------------

Look at the stars...


Look how they shine for you...


And everything you do...


Yeah, they were all yellow...

        Napangiti naman si Alyssa kahit ma-traffic dahil biglang tumugtog ang kanta nya para kay Dennise sa radyo at para bang biglang lumabo ang paningin nya at pumikit sya at pagmulat nya bumalik kung saan sila nagsimula ni Dennise dati.

"Hello! sa'n ba dito yung library?"  pang-iistorbo ni Dennise kay Alyssa na busy sa pagbabasa ng libro sa ilalim ng puno. Napatingin naman sya sa babaeng nagtanong sakanya at lumingon sa paligid bago sagutin ito.

"Bago ka lang ba?" 

"Ah ehe oo eh! transferee lang. Sorry naistorbo kita"

"Sige okay lang pero sana next time sa guard ka na lang magtanong or sa mga office"  pagtataray nito kay Dennise. "Yun kita mo yung building na yun, sa 4th floor"

"Ah salamat. Sorry ulit!"  at umalis na si Dennise at tinignan nya lang ito habang papalayo.

 

        Kumakain mag-isa si Alyssa habang naka-earphone ng biglang matapunan yung likod nya ng juice.

"Holy shoot!"  sigaw ni Alyssa at bigla itong napatayo at pinagpag ang likuran.

"OMG sorry!"  pero nagulat sya nung makita nya kung sino ang natapunan nya ng juice. "Hala! Sorry talaga! Im sorry!"  pagmamakaawa ng babae.

"Ikaw nanaman! Palagi mo na lang ba akong iistorbohin ha?"  galit na sigaw ni Alyssa at pinagtitinginan na sila sa cafeteria kaya nag-walk out na lang si Alyssa pero sinundan naman sya ni Dennise.

"Miss! Sorry na oh! kung gusto mo palitan ko na lang yung damit mo or ako na lang mismo maglaba? Im sorry talaga!"  pero diredirecho lang si Aly hanggang makarating ito sa banyo, tumigil sa harap ng salamin at tinitignan ang itsura nya.

"Is there anything better than this?"  sigaw ni Alyssa at hinubad nya ang suot nyang damit, nagulat naman si Dennise ng makita nya na naka-sports bra nalang si Alyssa, natigilan sya at natulala ng saglit.

"Hoy! Ano tinitingin tingin mo dyan? Labhan mo na to!"  abot ni Alyssa sa damit nya at nagmadali namang lumapit si Dennise kay Alyssa at kinuha ang damit. Nag-cross arms na lang si Alyssa para matakpan ang dibdib nya. 

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon