Akin ka na lang By: Itchyworms

3.9K 86 4
                                    

A/N: Ang bilis masyado ng utak ko ang bagal naman ng kamay ko kaya yan kung ano na lang natira sa utak ko yun na lang naitype ko, hahaha. 

Salamat sa mga new followers at voters ko. *group power hugs* 

love lots :)

-------

        Nakita ko sya nakatayo sa malayo nakatapat sya saakin tapos parang bumabagal ang ikot ng mundo, ang ganda ganda nya. Hawak-hawak nya pa yung pompoms nya at ibinagsak nya sa sahig at tumakbo papunta sa direksyon ko kaya tumakbo din ako papunta sakanya, nung magkalapit na kami hindi naghihiwalay ang mga mata namin sobrang tagal na titigan, hinawakan ko sya sa may bewang nya at sumabit naman sya sa leeg ko at unti-unting naglalapit ang mga labi namin. naamoy ko sya, ang bango-bango nya, konti na lang mag-dadampi na ang mga labi namin...konti na lang......

*Pak*  bigla akong nagising sa pag-da-daydream ko ng hampasin ako ni Bea.

"Hoy! tulo laway ka na dyan! Kadiri ka!"  kainis malapit na ehhhhhhh :-(

Tinignan ko sya ng masama habang hinihimas yung braso kong hinampas nya, "Grabe ka talaga! Istorbo ka!"

"Hahahaha! kung nakita mo lang itsura mo kanina, si Miss pompoms nanaman yan noh?"  pang-aasar sakin ni bea habang nakaupo kami sa magulong bench sa gym. May laban kase ang basketball team namin ngayon at nandito kaming lahat para mag-cheer pero iba naman ang pinapanuod ko. haha

"Tigilan mo nga ako! Manuod ka na lang!"  pagtatanggol ko sa sarili ko kasi ang totoo si Dennise lang ipinunta ko dito. Ang captain ng pep squad ng school, ay nako sobrang ganda, sexy, ang galing galing nya, ang talino nya pa kaso may kontra bida sa pangarap ko may boyfriend sya si LA ang captain ng basketball team at sabi nila perfect match daw silang dalawa. Sus! mukha nila! mas pogi ako dun, joke! haha. 

"Sus! hindi ka naman nanunuod ng game eh! susumbong kita dapat pinag-klase ka na lang!"

"Dapat nag-training na lang tayo kesa pinapanuod to mas magaling pa tayo sakanila eh!"  sabi ko kay Bea. Di naman sa pag-mamayabang ako lang naman ang captain ball ng women's bsketball team namin at kayang-kaya ko kalabanin ang mga yan.hmp!

"Kunwari ka pa natuwa ka din kase andito si Miss pompoms!"  pang-aasar ni Bea habang sumisigaw at nag-chee-cheer sa basketball team namin dahil konting seconds na lang matatapos na ang laro at mananalo na kami.

"Hoy! Tara na! Panalo na yan!"  sigaw ko kay Bea ang ingay-ingay na kase kaso ayaw magpapigil ng babaeng to palibhasa nasa court din ang crush nya. Wala na akong nagawa kundi umupo at panuorin si Dennise sa sidelines habang patuloy na nag-chee-cheer. Natapos ang game pero hindi ako natuwa kahit nanalo ang school namin dahil nakita kong hinalikan ni LA ang Dennise ko after nung game, bwiset! Ginagawa nya lang namang trophy girlfriend si Dennise.

"Oh! tara na! Tama na yan tignan mo yung pinagpapantasyahan mo may iba namang gusto!"  sabi ni Bea habang hinihila na ko palabas ng gym.

       Sus kapag may nakakakita lang naman sweet si LA kay Dennise eh pero hindi nya talaga ginagampanan yung pagiging boyfriend kay Dennise. Kapag may mga game si LA palaging present si Dennise hindi dahil cheer captain sya kundi dahil yun ang gawain ng girlfriend. Pero kapag si Dennise naman ang may kailangan sakanya palaging hindi sya pwede. Grabe lang! Tine-take for grnted nya lang ang dennise ko!

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon