The man who can't be Move By: The Script

4.2K 70 0
                                    

                Wala na yata akong ibang mahihiling pa sa girlfriend ko kasi alam ko sa bawat araw na kasama ko sya hindi sya pumapalyang ipakita kung gaano nya ako kamahal at kung gaano ako kahalaga sakanya. Hindi sya nauubusan ng sorpresa saakin kahit pa minsan parang out of this world at minsan hindi ko talaga alam kung paano nya nagagawa ang mga bagay na yun.

 

        Hindi namin naisip kung paano kami napunta sa ganung sitwasyon basta alam ko lang mag-bestfriends kami, super close at super caring lang namin sa isa't-isa. 

"Ly, Kain tayo nagugutom na ko!" 

"12:30 am na po, saan mo naman balak kumaen ng ganitong oras?"  tanong nya saakin, eh nagugutom naman na kasi talaga ako dahil kanina pa kami nagrereview para sa midterms.

"Kahit saan at kahit anong madaanan natin."   nagbihis at umalis kami dala namin yung sasakyan ko pero sya ang nagdrive.

"Ayun oh butger joint?"  sabi nya saakin at itinuro yung burger stand sa kanto.

"Sige Go!" na-excite naman ako kasi ngayon na lang ata ulit ako kakain ng burger tapos streetfood pa. Pinark ni Aly yung sasakyan sa gilid ng kalsada. Tapos umupo na kami at umorder may ilang customer parin naman.

"Ate buy one take one cheese burger nga po, Ano sayo Ly?"

"Ay akala ko share na tayo, ang takaw mo!"  natawa lang sya at napatingin naman si Ate saamin kasi hinampas ko si Aly.

"Ganun na din saken Ate, ketchup lang po walang mayo, salamat" 

        Hindi ko alam kung naipakita ko ba sakanya kung gaano ko sya kamahal dahil kung gaano sya nag-iisip ng way para mapasaya ako eh yun ding pag-iisip ko kung paano namin itatago ang relasyon namin, OO isang malaking lihim ang relationship namin ni Alyssa dahil iba na ngayon sobrang sikat na ang buong team lalo na kami ni Alyssa. Natatakot akong pagpiyestahan kami ng mga tao pero kahit ano yatang pagtanggi at pagtatago ang gawin namin eh sadyang pinapansin kami ng mga tao, bawat galaw. Natakot ako lalo na baka malaman at umabot ito sa family namin.

"Den, bakit ba kasi hindi na lang natin ipaalam?"

"Hindi pwede Aly, alam mo naman na maraming huhusga saatin eh!"

"Sa nakikita ko naman mas maraming may gusto, hindi mo ba nababasa sa social media?"

"Aly, kahit naman anong mangyari alam mo naman na mahal kita diba? hindi na natin kailngan pang ipaalam sa nakararami ang tungkol saatin!"   lumapit sya saakin at niyakap ako.

"Oo sige na. Ayoko nang pagawyan nanaman natin ito, naiintindihan kita pero tandaan mo pag-ready ka na handa akong ipagssigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal."  at yumakap lang ako saknya ng mahigpit at kumawala ang kaunting luha sa mga mata ko.

"Thank you aly, i love you."

        Pero talagang mapaglaro ang tadhana kasi imbes na tumahimik ang tungkol saamin ni Aly ay lalo pa itong umiingay sa tuwing makikita kaming sweet sa loob ng court, di naman namin kasalanan kung hindi namin mapigilang hindi maging proud sa isa't isa. Kapag nakakapalo sya or nakaka-block nayayakap ko agad sya at kapag naman gumu-gulong or natutumba ako sya namang andyan para itayo ako. Kaya mas nahirapan kami at lalo lang lumalala ang mga awayan namin.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon