Nagising ako na halos kadikit ko na ang mukha nya, pinagmasdan ko ang maamo nyang mukha, ang ganda nya talaga. Gustong-gusto ko sya halikan kaso natauhan ako dahil alam kong hindi pwede, bestfriend ko sya at ayokong mawala ang friendship namin. Lalong hindi pwede dahil pareho kaming babae.
"Goodmorning Lazaro, aga natin nagising ah?"
"Ah wala naman, tara samahan mo ko, jogging tayo!"
"Sige, palit lang ako."
"Den oh! tubig!" sabay abot ko sakanya ng jug ko. Katapos lang namin mag-jog, sarap sa feeling na yung taong mahal mo eh syang una mong makikita sa umaga tapos sya din sa huli bago ka matulog.
"Hoy! Valdez, aga aga daydreaming ka ha!"
Pinisil ko ang pisngi nya tapos tumakbo na ko pabalik sa dorm.
"Aray ang sakit, lagot ka sakin kapag naabutan kita!" hinabol nya na ko pero di nya ko maabutan maikli legs nya. hahaha
Pagdating namin sa dorm naabutan nya ko kasi may nakita akong may nag-aantay sa lobby ng dorm.
"HAHA. Huli ka Valdez!" tapos kiniliti-kiliti nya ko pero napatigil sya nung napansin nyang seryoso na ko kaya napatingin din sya sa taong papalapit saamin. "M-Myco, Ang aga mo ata?" napapunas sya ng pawis sa noo nya.
"Hmm Den una na ko sa loob ha." sabi ko at naglakad na ko papunta sa unit namin.
"Oh nasan sa Den?" tanong saakin ni Ella.
"Ah nakasalubong kasi namin si Myco sa labas eh!" malungkot na sabi ko at dahan-dahan naglakad para makaiwas.
"Hmm iniwan mo naman?" tanong nya.
"Eh ano gagawin ko dun?"
"Sabagay. Sige na magpalit ka na at kumaen ka na nagluto kami."
Pag-akyat ko sa kwarto namin naligo na ko at nagpalit. Saglit kong pinagmasdan yung picture namin ni Den sa bedside table at bumababa na ko. Nakasalubong ko si Den sa hagdan.
"Bakit mo naman ako iniwan?" tanong nya saakin.
"Ehh ano gagawin ko papanuorin ko kayong sweet dun?" sabi ko at nagdirediretcho na ako pababa.
Championship game namin ngayon. Andito sa dugout si Myco at seryoso ang usapan nila ni Den kaya umiwas na lang akong tignan sila.
"Sabi sayo dapat di mo iniiwan si Den eh!" sabi saakin ni Ella na lumabas na para mag-warm up.
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanfictionThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)