Your Guardian Angel by: The Red Jumpsuit Apparatus

5.4K 88 9
                                    

A/N: Hello! Readers. Sa wakas nakapag-UPDATE din ako. Actually matagal na itong naka-hang hindi ko lang kasi maisip kung paano ko tatapusin yung story na to, so ang nangyari hindi ko original yung ending pero I hope you'll like it. 

Ang oh sorry for typo errors..

------------------------

Nanahimik ako dito sa isang sulok ng bus tapos napansin kong nilapitan ng isang lalaki yung babae at tumayo sa likuran nito at sinimulang hipuan. Aba gago tong lalaki ah! Wala bang nakakakita? Help tulungan natin ang kawawang babae. Ugggh! Tssk. Pero nagulat ako ng biglang may lumapit na isang babae at kinalabit yung lalaki at tska sinampal kaya nagulat ang lahat ng tao pati yung dalagang binabastos.

“Anong problema mo ha?”  sigaw nung lalaki habang nakahawak sa pisngi nyang nasampal, huh buti nga sayo manyak!

Hinawi naman ng babae yung buhok nya, at wow ang ganda nya pero nakakatakot sya, “Ako may problema? O baka ikaw? Anong ginagawa mo sa dalagang to?”  sabay tingin sa babaeng nasa harapan nila pareho.

“Ano bang pakielam mo e girlfriend ko to?”  napatingin naman yung babae at takot na takot na umiling.

Nilapitan naman sila ng konduktor para awatin.

“Ma’am, Sir, pwede po bang bumaba na lang kayo kasi natatakot na po ang ibang pasahero”

“Bakit ako bababa? Eto paalisin nyo baliw ata at bigla na lang nanampal”

At binatukan ulit nung babae yung lalaki, “Ang kapal talaga ng manyak na to” at sinampal nya ulit sa kabilang pisngi at nagulat ang lahat, “Wala ka bang asawa? O anak na babae? Ha! Bastos ka, halika at bumaba na tayo dito at dun kita tuturuan ng leksyon”  hinigit ng babae sa tenga ng buong tapang yung lalaki at para itong makahiyang tumiklop. Natawa na lang ako sa eksenang yun. Pareho silang bumaba at tinanaw ko sila pagkatapos nilang bumaba.

Isang panibagong nakakaboring na araw na naman sa eskwelahan. Wala na bang bago? Nakakatamad na ang tagal magsummer vacation. Haay! Nagising ang diwa ko ng may biglang pumasok ng classroom namin kasama ng professor namin. Teka parang kilala ko to ah!

“Okay class meet” sabay tumngin sya sa bagong estudyante na parang sinasabing magpakilala ka. Kaya kumuha ng marker yung babae at isinulat ang pangalan nya sa white board.

“Dennise Lazaro”  basa ng professor namin. “Okay Dennise maupo ka na, salamat”  habang naglalakad sya iniisip ko parin kung saan ko sya nakita, ah! Alam ko na sya yung babae sa bus kahapon. Teka may band aid  sya sa may ibabang gilid ng mata nya, naku baka pinatulan sya ni kuya, ang walanghiyang yun. Nagulat ako nung tumabi sya saakin, ay tanga malamang dun sya uupo yun na na lang ang bakante eh! Tinignan nya ako kaya parang napatiklop ako sa kinauupuan ko at tumingin na lang sa harapan. Kita sa gilid ng mata ko na pagkaupo nya ay umub-ob na sya sa lamesa nya. Haaist! Ano ba naman itong babaeng to pumasok para matulog, lagot it okay Miss Martinez kapag nakita sya napakasungit pa naman ng matatandang dalaga, diba?

Mga kalagitnaan ng class namin ay nagising na sya, ang galling ah! Di sya napansin ni ma’am palibhasa nasa likuran kami. Di ako makapagconcentrate sa class ko puro sya lang ang inoobserve ko ngayon, dala ba ito ng pagkabagot ko? Haay. What??  wait nilagay nya yung chewing gum na kanina nya pa nginunguya sa ilalim ng desk nya, Ewww! Kadiri naman tong isang to, sayang yung ganda. Natapos na ang klase at nagmadali syang umalis at lumabas ng classroom.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon