A/N: Tentenenen! Dahil natuwa ako sa respond nyo sa story na ito ay hindi ko na paabutin ng next year. Tapusin na natin ang 2014 ng masaya. Eto na po ang part two! Ayieeee.
Maraming Salamat sa lahat ng nag-vovote, nag-cocomment at nagp-PM saakin, ginanahan agad akong mag-update. i love you guys!
Happy New Year! *cheers*
Sorry sa typo errors..
----------------------------
“Ikaw siguro yung Alyssa” sabi ng lalaking lumapit at sumilip sa may pintuan ng emergency room.
Tinignan ni Alyssa ang lalaking nagsalita, “Kilala kita” hindi pa man nakaka-move on sa mama ni Dennise si Alyssa ay may isang kontrabida nanaman ang lumapit sakanya.
“Dapat lang makilala mo ako, fiancée lang naman ako ni Dennise”
“Maka-fiancee ka, akala mo naman totoong mahal ka nya” at nagulat ang kausap nya sa sinabi ni Aly. “Akala mo ba wala akong alam? Pinagkasundo lang kayo kaya wag kang mayabang”
“Pinagkasundo man kami, wala ka ng magagawa para pigilan ang kasal, hampaslupa!” at lumapit ito kay Alyssa.
Tumayo naman sa pagkakaupo si Aly at hinarap si LA, “Hampaslupa man ako atleast mukha akong tao” (hindi mukhang pugo) sabi sa utak ni Alyssa.
“Anong sabi mo?”
“I mean, tao ako makitungo hindi katulad mong ubod ng yaman pero walang respeto”
“Sige ipakain mo kay Dennise yang respeto mo, walang magagawa yang pagmamahal mo kay Den. Ni hindi mo nga yan maipambabayad dito sa ospital eh!”
“Nakaka silaw talaga yang (gilagid mo, sabi sa utak ni Alyssa dahil sa sobrang inis nya sa kausap) kayabangan mo. Mayaman ka lang pero hindi ka magiging Masaya ipinapangako ko yan sayo”
“Matalas ang dila mo, subukan natin yang katapangan mo. Wag ka sanang magsisisi sa mga pinagsasabi mo”
“Hindi talaga ako magsisisi kahit pa ulit-ulitin natin itong paguusap na ito. Mahal ko si Dennise at kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko sya”
Pero nakita ni LA ang hawak ni Alyssa na cheque, “Huh tuso talaga kayong mahihirap, malamang ipaglalaban mo si Den dahil kulang pa yang cheque na hawak mo dahil kung mapapasayo si Den ay mas malaki ang mapupunta sayong pera. Matalino ka din pala”
“Huwag mo akong igaya sayo, walang katumbas na pera ang pagmamahal ko kay Den”
“Tumigil ka na! Umalis ka na dito, ay mali pala kami ang aalis dito sa bulok na ospital na pinagdalhan mo sakanya.”
Pero nagulat si Alyssa ng sabihin iyon ni LA, “Saan nyo dadalhin si Dennise?”
“Wala ka ng pakielam dun, pwede ba umalis ka na lang. Wala ka namang maitutulong dito”
Sa sobrang sama ng loob ni Alyssa ay tinalikuran nya na lang ang kausap nya, patuloy lang ang pagiyak nya dahil sobrang napakan ang pagkatao nya. Isa pa ay ilalayo sakanya si Dennise hindi nya alam kung paano nya makakaya yun. Hawak-hawak ni Alyssa ang cheque na ibinigay sakanya ng mama ni Dennise, nakita nya kung gaano kalaking pera ito, sobrang malaking tulong ito sa pag-aaral nya at sa buhay nya pero hinding hindi nya maatim na ito ang magiging kapalit ng pagmamahal nya kay Dennise.
“Tol, ano nangyari sayo tatlong araw ka ng hindi pumapasok ah! Si Dennise nasaan?” tanong ni Ara. Pinuntahan na nila ang kaibigan dahil nagalala na ang mga ito sa hindi pagpasok ni Alyssa at kapag nagtuloy-tuloy ito ay baka alisin sya sa volleyball team at lalong hindi makapag-aral. Nakakulong lang maghapon at magdamag si Alyssa sa apartment nya, hindi nya mapuntahan ang ospital na pinagdalhan kay Dennise, hindi nya alam kung kamusta na ba ito.
BINABASA MO ANG
The Playlist
FanfictionThis is a short stories about ALYDEN, based on songs. Enjoy, Thank you :)