Sa'yo By: Silent Sanctuary (1)

4.9K 81 8
                                    

A/N: The long wait is over. Sa wakas nakapag-update din. Sorry guys sobrang busy lang talaga sa work tapos nag-christmas pa. Bare with me! haha :)

Sorry kung natagalan itong request na to, it's been ages since, i know pero babawi po ako. Para sa mga nag-rerequest ng "Sa'Yo"  this is it pansit. Be patient. May part two to! weee.

Sa mga nagrerequest, nababasa ko po yun pero be patient, iisa-isahin ko kayo :-D thank you.

Enjoyin nyo na po muna ito, baka next year na ko maka-pagupdate (maka-next year eh 3 days na lang 2015 na! haha). Anyways Happy Holidays Everybody, Hugs*

Sorry sa typo errors.

----

(Dennise! Ayan na si Aly malapit na! Lalabas ka ba o lalabas ka? Dalian mo na!)

(Wait may kasama sya eh! Nakakahiya!)

(Ano ka ba ang tagal tagal mo syang inaabangan, puro ka na lang abang!)

(Sige na eto na nga oh!)

Patuloy ang pakikipagtalo nya sa utak nya, napatalon at biglang bumulaga sa harap nila Alyssa si Dennise at inaabot ang isang box, “Hello Alyssa! Para sayo nga pala!” malaki ang ngiti nya habang nakatitig lang kay Alyssa na sobra nyang hinahangaan.

 Nagulat naman si Alyssa at biniro sya ng mga kaibigan nya kaya tinulak nya ang mga ito, agad naman nyang inabot ang gift sakanya ni Dennise dahil nahiya ito.

“Ah eh para saan po to?”  nahihiyang tanong nya.

“Maka-PO ka naman magka-edad lang tayo!”

“Oo nga naman Aly, ang ganda ganda ni Miss iPO-po mo!”  asar sakanya ni Ara. Agad naman syang nilingon ni Aly at tinignana ng masama, tinawanan naman ni Kim ang kaibigan.

“Sorry miss ha.”

“Ayy wala yun, sige!”  at akma namang patakbo na si Dennise pero nahawakan sya ni Alyssa sa kamay.

“Wait lang ano pangalan mo?”

Lumingon naman agad si Den at tinignan muna ang kamay na hawak ni Alyssa at ngumiti.

“Den..Dennise”  at tumingin na kay Alyssa, nagkatitigan silang dalawa.

Binitiwan naman sya ni Alyssa dahil inasar nanaman sila ng mga kaibigan nito, si Den naman ay namumula na din kaya nagpaalam na ito at tumakbo palayo. Tinignan naman ni Alyssa ang kahon na ibinigay sakanya ni Dennise, may nakasulat itong, “sweet as your smile”  at napangiiti naman si Alyssa at kinanchawan nanaman ng mga kaibigan.

Inaabangan ni Alyssa si Dennise sa labas ng school nakalimutan nya magthank you sa ibinigay nito.

Habang nag-iintay naman si Alyssa sa labas ng school ay pumunta naman si Dennise sa university gym at hinanap si Alyssa sa mga kaibigan nito.

“Excuse me!”  at pumagitna ito sa mga taong naglalaro court, napansin naman sya ni Kim at Ara kaya pinatigil nila ang iba.

“Hi miss ganda, ano ginagawa mo dito?”

“Hello! Nasaan si Alyssa?”

“Hindi sya nagpractice ngayon eh nagmamadaling umalis”  nagtaka naman si Den kaya agad syang umalis paalis at hindi nagpaalam sa mga kausap kaya napakamot nalang ang mga ito sa ulo.

Nagmamadaling lumabas si Den nang maabutan nyang patayo na si Alyssa mula sa pagkakaupo nito sa may hagdanan.

“ALYSSA!”  sigaw nito sa malayo para marinig sya nito, hingal na hingal ito papalapit kay Alyssa.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon