10: Lost and Found

2K 56 0
                                    

-- TROY'S POV --

Mas mabilis pa sa alas kwatro, nasa tamabayan na si Marco. Hindi ko alam pero sa nakikita ko ngayon, parang may kakaiba sa kanya. Parang kani-kanina lang napakasaya niya. Sabi pa nga niya excited na siya makita yung Biology Girl na yun. I wonder who she is. Sabi kasi ni Marco, maganda daw siya. Nakoo.. Para namang nakita na niya yung buong mukha. Pero feeling ko nga maganda yun. Biology eh!

'' Anyare sa'yo? '' Tanong ni Baste habang nakatingin kay Marco. Kasalukuyang medyo spaced out siya at humihingal.

''Ayos ka lang Marco?'' Sabi ko habang nakikipagfist bump.

''Kasi...Hayyy. Ang tanga ko..'' Marco

''What? Anong nangyari?'' Ako

''Si Biology Girl..''

'''What's with her? Nakita mo na? Nasauli mo na yung panyo?''

'' Hindi ako nananaginip. She's real. She is really real!'' Uhhh. Okay? Ang weird ni Marco ha!

''Pre, ang slow namin ngayon. Paki-explain pa! Labyu'! Hehe~'' Ken

'' I found her already.''  Marco

''Who? Bettina? Saan?'' Hay salamat! Sa wakas. Nahanap na ng pinsan ko yung Bettina na yun.

''She's the Biology Girl.'' Marco

WH-WHA-WHAAAAAAT?!

''Seryoso ka pre? Baka naman namamalikmata ka lang. O baka kamukha, o baka..'' Baste

''And she hates me.'' Pahabol pang sinabi ni Marco habang bumubuntong hininga. '''She really hates me. I can see it in her eyes habang umiiyak siya, guys. Hayy! Ang tanga ko! Bakit ba kasi di ko nakilala yung mukha niya.''

''Nako pre. Masama yan. Baka madepress ka. Bago ka pa naman sa Vanderbilt. Baka bumaba grades ni Mr. Famous. Haha!'' Ken

Totoo nga naman ang sinabi nila.

Kapag matalino sa academics, tanga sa Love.

Isang patunay na dito ang pinsan kong si Marco. Akalain mong sampung taon na ang lumipas. Alam ko namang kilala niya yung mukha ni Bettina. Yun pa makakalimutan ang childhood sweetheart niya? Pero siguro nga nagbago na ang lahat. Physically and Emotionally.

Siguro nga si Marco na lang ang nagmamahal.

Pero imposible yan mangyari.

----FLASHBACK --

Habang umoorder ako sa Mcdo ng lunch, nakita ko si Bettina na kakapasok pa lang.

''Bettina? Uy. Ikaw na ba yan?'' Sabi ko habang nakatayo sa pila.

''Troy? Hahaha! Ako nga. Kamusta na ba? Naks naka-summer class ka din ha?'' Niyakap niya ako at ngumiti.

''Eto, pogi pa rin. Oo eh. Para di na mahirapan this year sa ibang minor subjects.Oh, why don't you come with me here. Lunch tayo, my treat.'' Umiling siya pero I insisted kaya napapayag ko na rin. We did a lot of catch up habang magkasama kaming naglalunch ni Bettina. Okay naman daw siya. Ganoon pa rin, iyakin at babaliw-baliw. Alam ko na Biology na siya from her uniform and ID lace.

''Uhh..Troy?'' Bettina

''Oh?''

'' Uuwi kaya this year si Maki?'' Tanong niya habang kumakain ng fries.

''Hindi ko alam eh. Siguro. Pinapauwi siya ni Lolo Peps eh.''

''Ahh..''

"Pero hindi ko sure ha. Wag kang umasa masyado.''

Natawa na lang siya at tumango.

-- END OF FLASHBACK --

Hindi niya makakalimutan si Marco. Lagi niya yung tinatanong sa akin kapag nagkikita kami sa school.

Lagi na lang.

Puro na lang si Marco.

Napatingin ako sa pinsan ko at napabuntong hininga.

'' Oy Troy. Pati ba naman ikaw nakikiuso pa sa pagdadrama ni Maki? Haha!'' Ken

''Hindi ha! Mga loko-loko kayo! Hahaha! Hay nako, Maki. Suyuin mo na yan!'' Inakbayan ko nalang siya at natawa.

Wala na talaga akong pag-asa sa'yo , Bettina.

Wala na.

Time to let you go.

Chasing My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon