17: yung feeling na..

1.3K 31 2
                                    

-- MAKI'S POV --

Papasok kasama si Betchay. Class. Lunchbreak Class na naman. Break. Dismissal. Ihahatid si Betchay sa bahay.

Ganoon ang nagging takbo ng strudent life ko dito sa Vanderbilt University since nagkakilala muli kami ni Betchay.

Yung mga araw na yun, worth remembering yun. Alam mo yung feeling na kahit ordinary lang yung araw nagiging special kasi kasama mo yung taong malapit sa puso mo? Kung naramdaman mo na yun, well.. Kasama ka na sa pila ng mga INLOVE. Hindi ko nga maipaliwanag ang feeling na ito. Totoo nga ang sinabi ni Eros Atalia sa libro niya na binasa ko

 “Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.”  

Totoo nga. Totoong totoo.

Hindi ko inakala na ganitong pakiramdam ang mararamdaman.

That feeling when she is just the only girl that I see whenever she passes by our corridors.

That feeling when she  smiles at me and suddenly blushes.

That feeling when she laughs at all my corny jokes.

That feeling , mga pre.

KAKAIBA.

NAKAKAHATAK.

NAKAKA-ADDICT.

Ngayon nasa puntod kami ni Lolo Peps, sinama ko na si Bettina para ipakilala siya.

''Lo, eto na po si Bettina. Sayang hindi niyo po siya nakita. She's so pretty! Hahaha!'' Hinampas ako ni Bettina sa braso at tumawa.

"Baliw ka talaga! Lolo Peps, eto na po ako! Nako. Sayang naman deds na kayo, pero alam kong na kay Papa God ka na. Sana nakikita niyo pa rin po kami ni Maki dito. Alam niyo po ang swerte swerte ko sa lalakeng ito. Bukod po sa gwapo ang apo niyo, eh ubod pa ng sweet at marespeto. Wala na po akong maihihiling pa..

Madami nga po sana akong ikekwento sa'yo ngayon kaso baka naman mainip ka na kakamasid po sa amin kaya dadalawin ka nalang po namain ng madalas. At kung hindi man..''

''Daldal po ng girlfriend ko noh? Hahaha! Araaaayyy!'' Ngayon naman kinurot ako sa likod. Hala naman! Is she really my girlfriend? Why is she so harsh to me? Ugh. "Minsan talaga, I can't understand why you girls hurt us as a sign of your paglalambing. Araaayy! Hayyy! Lolo Peps oh! Si Bettina po multuhin niyo nga po!''

''Tse! Lolo. si Maki po multuhin niyo! Tagal nang di nakauwi sa Pilipinas eh! Hahaha! Nakooo.. Maki, may pupuntahan pa pala kami ni Mama. Una na ako ha!'' Pero bago pa makatapak palabas ng museleo si Betchay, hinatak ko na siya at sinabing ihahatid ko na siya. Nagpaalam na kami kay Lolo Peps at nag-promise na babalik kapag may free time.

Habang nagdadrive, may nakita kaming naglalakad na lalaki. Pamilyar kasi eh.

Chasing My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon