20 : Torn

928 33 3
                                    

-- MAKI'S POV --

'' Magta-Taxi na lang ako.'' Sabi niya at saka bumaba kaagad sa Audi R8 ko.

Hindi ko na nagawang pigilan siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya pinigilan. Dapat ginawa ako yun di ba? Siya na lang ang natitirang dahilan kung bakit nandito ako sa Pilipinas. Kung bakit patuloy akong naghahanap ng tunay na pag-ibig.

Si Bettina lang.

Pero hindi pala.

Dumating si Cherry dala ang kanyang matatamis na ngiti at kakaibang aura. Yung aura na nakakahatak at nakakahumaling. Yung kahit nonsense ang mga pinag-uusapan niyo, game na game siya pag-usapan yun. Hindi siya nawawalan ng kwento at hindi siya nawawalan ng energy.

Hindi ko din maintindihan kung bakit ganito na lang kabilis ang naramdaman ko towards sa kanya. Di ba naman mga pre, parang kalian lang muntik ko na siyang mabngga, tapos nagkita pa kami sa Dutdutan. Kung tutuusin, mas matagal ang pinagsamahan namin ni Bettina kaysa kay Cherry, pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?

Inisip ko yung nangyari sa amin ni Bettina kanina sa tapat ng building nila. Napakasama ko pa lang boyfriend. Hindi ko man lang siya nilambing. Hindi ko man lang inalala na malakas ang mga kutob niya. Na nag-aalala na talaga siya sa akin simula pa nung natapos ang Dutdutan. Basta nag-suplado na lang ako. Kakakausap ko kasi nung mga oras na yun si Cherry. Fresh na fresh pa ang mga sweet texts namin sa isa't isa.

Habang nagdadrive ako papunta sa bar, tumawag na si Baste..

'''Lagot ka.''

Tapos binaba na niya yung linya.

Ano naman kaya pakulo ng Baste na yun? Lakas mang-trip ha!

-------

Pagkaparada ko ng kotse, pumasok na kaagad ako ng bar. Hindi ko na nagawang pumila pa kasi nakaVIP naman kami dito. Pinsan kasi ni Baste yung may-ari ng bar.

Una kong natanaw si Ken at CJ na umiinom at nagkakatuwaan habang nakatingin sa mga nagsasayaw na babae. Nilapitan ko kaagad sila. Mukha pa ngang nagulat yung dalawa..

'' Mga pre!'' Nakipagbrofist ako at kumuha ng maiinom.

'' Nakita mo ba si Troy pre?'' Ken

"Kadarating ko lang. Bakit?'' Ako

'' Kanina pa yun wala eh. Tapos na ang Finals, nagkacram pa ang loko! Hahaha! Late na siya.. mga 30 minutes na yata.'' Ken

''Pero nagtext siya di ba? Akala ko nga mauuna pa yun sa atin'' CJ

''Nandyan lang yan sa tabi-tabi.'' Sabi ko habang umiinom. '' Oy Ken, lagot ka kay Janna. Your eyes are wandering everywhere ha!'' Natawa na lang kaming tatlo. Totoo naman eh! Kung makatitig si Ken sa mga babae, akala mo kakainin ng buhay!

Habang naglalakad-lakad at nakikipag-usap sa iba ko pang kabatch dito sa bar, nakita ko na si Baste. Lalapitan ko na sana siya nang biglang sumugod mula sa gilid ko si Troy. Sinuntok niya ako sa panga at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt ko.

*BOOOGSHHH!*

'' Tarantado ka talaga noh?!''

Napatigil ang lahat ng tao sa bar at humina ang mga music. Patuloy pa rin na gumagalaw yung mga strobe at club lights.

'' Ano bang sinasabi mo dyan insan? Let me go!'' Pero hinigpitan niya pa ang hawak niya sa kwelyo ko at sinuntok muli ako. '' Ano bang problema mo Troy?!''

Pinigilan siya nina Baste at CJ sa magkabilang gilid habang nakaharang sa gitna namin si Ken

'' Anong problema ko?! IKAW MARCO! NAPAKATARANTADO MO TALAGANG HAYOP KA!''

'' I CAN'T UNDERSTAND WHAT YOU'RE TRYING TO SAY!''

"YOU CAN'T UNDERSTAND OR YOU DON'T HAVE TIME TO UNDERSTAND?! BAKIT MO PINAIYAK SI BETTINA?!''

Paano naman niya nalaman na umiyak si Bettina?! What the!

'' SINABI KO SA'YO NUNG SINAGOT KA NIYA NA HUWAG MO NA SIYANG PAIIYAKIN! Hindi mo ba yun maintindihan? Sampung taon na halos madepressed si Bettina kakahanap at kakaisip sa'yo tapos ganito pa gagawin mo sa kanya? Napakasama mo naman Marco! ANO BANG GINAGAWA MO SA KANYA NGAYON , SA TINGIN MO HA?! HAAAAAAAYYY!'' Sinapo na lang ni Troy ang noo niya at ginulo ng bahagya ang buhok out of frustration at anger. Halos hindi ko na makilala ang pinsan ko from the way he looks at me. Masamang masama talaga ang mood niya.

Biglang nagkaroon ng matagal na katahimikan. Binitawan na rin nina Baste at CJ si Troy. Nakatayo na lang siya sa harapan ko habang nanlilisik pa rin ang mga mata.

'' Is this because of Cherry?''

'' Troy, I didn't mean to..''

'' Bahala ka sa buhay mo Marco Bryans. Una na ako guys." Tinalikuran na lang ako ni Troy habang hawak hawak ang isang bote ng beer.

Chasing My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon