-- BETCHAY'S POV --
Bakit di na lang totohanin ang lahat?
Ang kailangan ko'y paglingaaaa~~
Dahil habang tumatagal ay lalo kong natutunang magmahaaaaal
Baka masaktan lang~~
Replay button for the 15th time. Binilang ko nga! Nakaka-15 times ko nang pinapaulit ulit ang kantang ito habang nakatulala sa kawalan. Pansamantala muna akong nakitambay sa bahay nina Maru kasama yung iba naming kaibigan para magrelax.
"' Waaaaa! nakukuleleng na ang tainga ko sa Bakit Di na Lang na yaaan! Please Chay!'' Sabi ni Maru habang ginugulo ang buhok at tinatakpan ang tainga.
'' Oo nga Chay! Maawa ka naman sa amin. Pleaaase parang awa mo na. Ibang kanta naman!'' Elena
''Bakit ka ba kasi ganyan? Ano meron te?'' Singit ni Yannie habang nagdodrawing ng anime. '' Bakit gusto mo yatang nasspaced out for the last couple of months? Ano meron?''
Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanila.
This is it. Aaminin ko na. Hindi pa kasi nila alam na tinotoo nga naming ni Gino ang pagiging magboyfriend namin.
'' Girls, may aaminin ako sa inyo..'' panimula ko. Biglang tumingin sa akin ang 5 bruha. Sina Maru,Yannie, Elena, Zy at Poli.
'' Buntis ka?!'' Maru
'' Magrerepeat ka ng year?!'' Zy
'' Natatae lang yan...'' Yannie
''Spill it out! Come on!'' Poli
''Mga baliw! Anong nabuntis?! Baliiiwwww!! Kasi ano...'' Waa! Ano ba sabihin mo na kasi!
'' Tagal. Makatulog na nga.'' Akmang hihiga na si Elena nang sabihin ko ang totoo.
'' Boyfriend ko si Gino. 5 months na kami.''
Biglang napaupo sa kinahihigan si Elena at napangaga ang apat pa. Sino ba naman kasing di magugulat kung sabihin ko na boyfriend ko ang isa sa mga crush ng bayan sa medschool.
'' Nagugutom ka lang!'' Sigaw ni Maru na hindi talaga naniniwala. '' Gutom yan! oh Pancake!''
'' Ay si ateng nag aambisyon!'' Poli.
Yung totoo?! Mga kaibigan ko ba talaga sila?! Hahahaha!
Inilabas ko ang cellphone ko at pinakita ang mga photos namin ni Gino na yakap niya ako. Yung inaakbayan nya ako. Yung kiniss niya ako sa cheeks. Yung mga sweet photos na exclusively for me ipinakita ko na bilang ebidensya! Imposible naming di na sila maniniwala nyan! Pinagmasdan nilang mabuti ang photos at brinowse isa-isa. Mga hindi makapaniwala! Oha!
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Teen FictionMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...