-- BETCHAY'S POV --
'' I'm her boyfriend.''
I AM HER BOYFRIEND
Ilang beses kong pinaulit ulit ang mga salitang yan sa isip ko. Totoo ba ang nangyari? Talaga bang galing sa bibig ni Gino nanggaling ang mga salitang yon? Kung oo, bakit? Bakit niya ginawa yun? Bakit sa lahat ng pwede niyang excuse yun pa?
Halos 2 weeks din kaming hindi nagkita ni Gino sa school. Dalawang lingo na rin akong paulit ulit na kinukulit nina Troy kung excuse ko lang ba iyon o talagang totoo na may boyfriend na ako. Hanggang sa isang araw, katatapos ko lang magresearch sa library, nakita ko si Gino na papalapit sa akin.
FOR REAL? SA AKIN NGA KAYA O NAGDEDAYDREAM LANG AKO?! Wew. Yung ibang med students napapalingon sa kanya habang dumadaan siya sa mga nakahilerang library tables.
'' Hey. Finally I found you.'' Sabi niya habang umuupo katapat ko. Amoy na amoy ang nakakaakit niyang pabango at nakakawala ng huwisyo ang napakaganda niyang ngiti. Nakakadagdag sa kagwapuhan niya v (>___<~)~Kakakilig tuloy! Ano ba yan! Ngiti pa lang yan ha!
'' Hey. Uhmmm. Kamusta?'' Ano ba yan! Wala akong masabi eh! Mangangamusta na lang para playing safe sa convo! Woooo!
'' Still the same old Gino. Hahaha! I haven't seen you for awhile ha. Saan ka ba nagsususuot?''
Bahagya akong natawa at inempake ang gamit ko '' Sa mga libraries at classrooms. Hassle eh. Daming quizzes na sunus sunod. Oh siya.. una na...'' Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumayo na rin siya at ngumiti
''Sabayan na kita. Wala na rin naman akong pupuntahan.''
Tumango na lang ako. Aba syempre, pagkakataon ko nang masolo si Gino! Ang heartthrob ng school na ito! Ano pa ba ikaka-pakipot ko di ba?!
'' About that day na nakaconfront natin ex mo..'' Napatigil ako sa paglalakad sa may corridor nang marinig ko siyang iopen up ang confrontation nila ni Marco. "I'm really sorry about that. Alam kong hindi tama ang sinabi kong dahilan. But my intentions are good naman, Bettina.''
Coming from him napakasarap marinig ang 'sorry '. Parang ang sincere at totoo talaga na humihingi siya ng kapatawaran. Ngumiti na lang ako at sinabing okay lang. Ano pa nga ba ang magagawa naming? Nasabi na.
''Yun lang kasi yung paraan para hindi ka na niya kulitin. Kapag alam niyang may boyfriend ka na, hindi ka na nya aanuhin.'' Sabi ni Gino habang pinagpapatuloy ang paglalakad. Tumango na lang ulit ako at naki-agree. Matagal tagal din kaming nagpalibut-libot sa school. Nagkwentuhan about sa buhay at studies.
Nalaman ko na Half Korean - Half Filipino siya na pinanganak sa U.S . Pagtungtong niya ng highschool, pinauwi siya ng Pinas kasama ang Mama at bunsong kapatid niya na five years old. Yung Dad niya na Korean may car business sa America kaya di na muna siya makauwi. Mahilig siya kumain, magluto at mag-Playstation. Hindi siya ma-bar na lalake. Mas feel niya na nasa bahay lang kasama mga kaibigan at nagchi-chill out o naglalaro ng console games. Mataba talaga siya nung highschool at nerdy kaya hindi siya nagkaroon ng GF. Pagtuntong naman ng college, Dean's Lister siya sa university at the same time President ng school council.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Teen FictionMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...