-- TROY'S POV --
'' Bahala ka sa buhay mo Marco Bryans. Una na ako guys.'' Hindi ko na nakayanan pang tingnan si Marco na nagkakaganito. Why is he so weak? Bakit ngayon pa? Ang tagal na niyang hinihintay na Makita si Bettina, matagal na na niya itong hinahanap, tapos ganito ang ending? Magkakagusto siya sa iba?
And to think na he's starting to fall in love with another girl.. NAKAKAINIS!
Pinaubaya ko na nga sa kanya si Bettina para hindi na umiyak yung tao, tapos gaganituhin pa niya?
IN THE FIRST PLACE,TROY.. ANO KA LANG BA NI BETTINA IF EVER THERE WAS A CHANCE NA HINDI SILA NAGKAGUSTUHAN NOON PA MAN NI MARCO? Di ba kaibigan ka pa rin naman? Hindi na yun mababago. At saka.. May Sophie na ako. Why would I find someone else? I'm happy with her. But Bettina, she doesn't deserve to be treated this way. Makikipagbreak na lang sa kanya basta-basta? Hayyy!
-- Flashback--
Nasa bar lang ako nun, hinihintay sina Baste nang tumawag si Bettina..
''Hello?''
Umiiyak siya at nagpipigil ng paghikbi '' T-troy. Si M-Marco...''
'' Oh? Why? What happened?''
'' H-he b-broke up with m-me...'' Tuluyan na siyang umiyak nang umiyak '' Wala naman s-siyang sinabi na kung a-ano man, basta he broke u-up with m-me..Ano ba ang nangyari sa kanya sa Dutdutan?T-tell me...''
Sasabihin ko ba?
Pero mas masasaktan siya. And hindi pa naman ako sure na ganoon nga ang dahilan.
''Ako na bahala. Tumahan ka na. I'll talk to him..'' Sabi ko na lang habang lumalabas ng bar para magyosi.
'' O-osige. Salamat T-troy ha..Hayyy... S-salamat talaga..Bye.'' Then the line went off.
Ano na naman ba ginawa mo Marco?
--End of Flashback--
Hindi ako dapat basta-basta na sumusugod. Kailangan kong pag-isipan itong mabuti.
Kailangan kong makausap si Cherry at malaman niya na mali ang mga nangyayari sa kanila ni Marco. May girlfriend yung tao tapos makikipag-affair siya. Buti nga hindi ko naisusumbong si Marco kay Bettina nung isang araw na nakita kong sinundo niya si Cherry sa may Paul Bryans Arts School. May mga araw din na sabay silang kumakain sa ibang restaurants malapit sa subdivision.
Alam kong masaya din si Marco kay Cherry, at ganoon din si Cherry kay Marco..
Pero mali eh.
Maling mali.
Bago matapos ang sembreak, I decided to take a visit on Cherry's Tattoo Shop.. Nung una, medyo nag-aalangan pa ako kasi hindi ko naman kaclose si Cherry unlike nung pagkaclose niya kayna CJ, Ken at Baste. Ayoko din mapalapit sa kanya dahil nga alam ko ang mga nangyayari sa kanila ni Marco..
Friday.
After magdismiss ng prof sa Perspective..
'' Saan ka pupunta? Parang nagmamadali ka ha'' Sabi ni Baste
''Wala.. Kung saan lang. Sige Baste.'' Agad akong pumasok sa kotse ko pero lumapit sa bintana ng kotse yung tatlong pugo..
'' Pre, nagtataka ako kung anong nangyayari kay Marco..'' Ken
''Oo nga. Parang ang weird niya this past few weeks after ng Dutdutan.'' Baste
''Pwede bang sumama kami sa'yo? Mukhang pupuntahan mo siya eh'' CJ
Umiling ako. Ayaw kong mapasama sa kaguluhang ito ang tatlo naming kaibigan. Pero dahil napaka-mapilit nila, naconvince na nila ako.
Nung nasa tattoo shop na kami, nakita naming parang sarado yung shop..
'' Sarado yung shop eh.'' CJ
''Sarado pero naka-awang yung pintuan? Pumasok na tayo Tara!'' Sabi ni Baste habang pumapasok sa shop.
Malinis yung shop. Maayos ang mga pangtattoo. Madami din kaming nakikitang posters ng mga taong nakatattoo, mga customers nila sa pagkakakita ko. Yung ibang kasama sa picture si Cherry, yung iba pinicture-an lang. Nung hinahanap na namin si Cherry, may narinig kaming umuungol..
''Uhhh...''
"Narinig mo yun?'' Sabi ni Baste sa akin
Pinakinggan ko ulit. Umuungol nga!
''Uhhh uhhh.. Ahhh..''
''Takte ka Ken! Tigilan mo ako!'' Sabi ni Baste kay Ken
''Sira! Mukha bang boses ko yun?!'' Ken
''Uhhh...''
Habang patuloy na hinahanap ang boses na umuungol, may nakita kaming naka-awang na pinto. Hindi sana kami papasok pero huli na ang lahat, binuksan ni CJ yung pinto..
At tumambad sa amin ang may tattoo na likod ni Cherry na nakapatong sa katawan ni Marco.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Roman pour AdolescentsMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...