-- BETCHAY'S POV --
Ugh.
Five more minutes..
Five more..
''ANAAAAAAAAKKK! GISING NA! ALAS SIYETE NA!''
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko at dali-daling tumingin sa alarm clock. Huwaaaat?!
4:25
Hindi gumagana yung relo! Tumingin ako sa cellphone ko at laking gulat ko na hindi nagjojoke si Mommy. Waaaaa! LATE NA AKO!
''BUMANGON KA NA! FIRST DAY OF CLASSES PA NAMAN!''
''Ayan na poooo!''
''BETTINA LORRAINE ALCARAZ-UY!''
Ayan na nga kasi. Waaa! Mama naman eh! Dali-dali akong tumakbo pababa at dumiretso na sa banyo. Kuskos dito,banlaw dun. Bilisan mo,Betchaaaaay! Baka pagsarhan ka ni Manong Guard ng gate. Sayang naman yung bago mong shoes.
''Bilisan mo kumilos!'' Rinig na rinig ko pa yung sigaw ni Mama. Nakakapresuure ha, infairness! After 10 minutes. Nakapagbihis at nakaligo na ako. Oh di ba? Ayan ang nagagawa kapag pinpepressure ka ng mama mo. Nakakapraning!
''I'm done! Oh no. 7:20 na! Ma I need to go na''
''Hep hep. Baunin mo ito. Pancakes. Hay nako Bettina. Bukas agahan mo ha..''
''Kasi naman..''
''Oo na. Kung ano man yan. Pumasok ka na'' Hinalikan na lang ako ni Mommy sa pingi at nagwave nang nakasakay na ako ng service.
''Wew! Thank you po Manong Oli ha! Sorry nga pala mga ka-service ko! hihi'' *____*v Nagpeace sign na lang ako habang napapangiti yung mga katapat ko sa FX
'''Ikaw bata ka. Unang araw ng pasukan magpapalate ka pa.'' Sabay paandar na ng FX ni Manong. Hanep ha! Hardcore pagmamadali ang ginawang pagdadrive! -____- May lakad lang po,Manong? Hinay hinay! Parang lilipad na yung FX sa bilis. Nakikiepal pa yung mga colorum na bus na walang ginawa kundi maningit sa daan!
Tingnan mong malelate na eh!
Ay oonga pala! Hi! :D
Ako nga pala si Bettina Lorraine Uy. Betchay na lang para di ka mahirapan. 18 years old. 2nd year college sa kursong Biology. Pre-Med course na ang kinuha ko para di na ako mahirapan in the future. Likas na sa akin ang pagiging cute, maliit at nakakatuwa. Baliw din ako at kapag walang magawa..nganga! Hahahaha! Nagfafangirl ako sa pinakagwapong nilalang sa Pilipinas! Tentenenen.. si Fafa Enrique Gil!
HOMAYGAAASH. Breathe in! Breathe out!
Kasi naman ang galing galing niya sumayaw. Tapos ang pogi pa! Hayy. Heaven. Pero syempre, dahil celebrity nga sya, sino ba ako para maging kanya? *Ang dramaaa!* Next to impossible na ang pangarap kong makayakap siya kasi sympre, focus ako sa studies (di nga?!) tapos ano..kwan..basta! IMPOSIBLE (__ __'') Hanggang pagiging dreamboy ko nalang si Fafa Enrique. Mahilig din ako sa anime at arts. Parang hobby ko na ang magdrawing o magpaint pampawala ng stress ko sa Bio. So ayun, okay na yun! Hahaha!
'' Oy Maru. Nakapagreview ka na ba sa Zoology?'' Tiningnan ko si Maru,kabarkada kong Bio din na pakanta-kanta pa ng Art of Letting Go habang nakatanaw sa kalsada
''Huh? Ano?'' Maru
''Hayyysh. Sabi ko nakapagreview ka na ba sa Zoology? Monday ngayon. May klase tayo kay Sir Cai''
Biglang napaupo ng maayos si Maru at hinalungkat ang bag niya. ''Anlaaaa! Nakalimutan ko yung Zoology book ko! Paano na yan? Betchay, pareview naman mamaya..Please please pleaseee?''
''Yeah right. Puro kasi pagsesenti eh. Move on din kasi ateng!''
''Hayyy! Kasi naman yung mukhang sugpo na yun! Akalain mong iniwan ako sa ere. Ang sarap pasabugin ng kanyon sa mukha! Huwaaaaa!'' Naghysterical na naman po ang Maru. Hayy! Kung bakit pa kasi ang hirap magmove-on, ano po? Kung bakit pa kasi may break-up pang nalalaman! Kung bakit pa kasi..
Ay. Ang bitter ko yata. Hehehe. Tama na nga!!
'' Maru. Betchay. Nasa Vanderbilt na tayo.'' Manong Oli
Nagwave na kami sa service.
7:30AM
OH NOOOOOOOOOO! 5 MORE MINUTES LATE NA KAMI!
''Bilisan mo Betchaaaay!'' Kumaripas na ng takbo si Maru. Hindi man lang ako hinintay makarecover sa mala-eroplanong pagpapatakbo ni Manong Oli -___- What a friend!
Sumunod ako ng takbo sa kanya nang biglang..
*BOOOGSHHHHH!!*
Nagkalat ang mga gamit at libro ko sa bag.
''Nako Miss. Sorry.''
''Huwaaaaa! Kung bakit ba naman kasi nagmamadali ka rin! Huwaaaa!'' Agad agad kong pinulot ang mga gamit ko at tumakbo na kaagad.
Teka...
Parang kilala ko yun ha.
Ay nevermind! yung lips lang naman niya nakita ko. Masyado na akong late para magpabagal-bagal pa! Pero, para talagang..
''BILISAN MO FRIEEEEEND!''
Oo na Maru! Hayyyyshhh! HAGGARD!
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Fiksi RemajaMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...