-- BECTHAY'S POV --
From: Maki
Goodmorning. :) Wake up na at bumaba ka na para magbreakfast.
Wag kang tamad. Hehe :)
HUWAAAAAA!!!!! ILANG MINUTES KO NA BANG BINABASA NANG PAULIT-ULIT YUNG TEXT NIYA?! Emergheeeeerrrdddd!! Kakakilig eh! Bakit ba?! ^______^v
Sabado ngayon kaya walang pasok. Thank you Lord! Makakapagpahinga na rin (as for now, kasi katatapos lang ng Midterms! wohooo!) After 2 weeks, Finals naman ang labanan. Kayang kaya yan! Hahaha!
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.
8:30AM.
Lamig pa eh! Katamad bumangon!
Hanggang sa kumatok na si Mama sa kwarto ko ''Anak! Bumaba ka na. Luto na ang agahan. Bilisan mo! Bangoooon!'' Hindi tumigil si Mama sa kakakatok hangga't di ko sinasabi na nakatayo na ako at bababa na.
Medyo mabagal pa ang pagbaba ko sa may hagdanan at nagkukusot pa ng mata nang may natanaw akong familiar..
*blink blink* ''Sino ba yung nasa sala natin? Parang..''
'' Goodmorning, Betçhay Pechay. '' Nanlaki ang mata ko at bumalik kaagad ang kaluluwa ko sa katawan nang makita ko na si Marco pala ang taong nasa sala. May lakad yata itong mokong na ito. Naka-jeans at tshirt lang. Ehhhh!~~ Ang gwapo gwapo! Yummy! Parang ayaw ko nang mag-agahan. Hihi <3
''Bakit nandito ka?'' Sabi ko habang tinuturo siya. Natawa siya at sinabing nung nagtext siya ng goodmorning sa akin on the way na daw siya sa amin. Hinihintay lang daw niya akong magising at mag-agahan.
Magising? Mag-agahan?
Huwaaaaa! *o* KAKAGISING KO LANG PALA! ANONG ITSURA KO NGAYON? Benemenyeeenn! Nooooooo!!
Dali-dali akong sumugod sa CR at nakitang DISASTER ang itsura ko. Puffy eyes. Big Cheeks. Namamagang labi (may tulo-laway pa! Hahaha!!) Magulo ang buhok at higit sa lahat..
Hindi pa ako nagsusuot ng bra! O__O HALA SIYAAAA!!!
YOU MEAN NAKITA NIYA YUNG...?
Sumugod ako sa kwarto at kumuha ng panligo at saka nagpahintay na matapos. Nang makatapos na ako, naabutan ko nalang na iniinterview siya ni Mama. Mukhang kinikilig pa si mother earth habang tinitingnan si Marco na nakangiti. BAKIT KASI ANG GWAPO NIYA? :""> Yayyy! Talandi ko ha. Huwaaa! Inaya ko siyang mag-agahan pero sabi niya nakakain na siya.
'' Bakit ka ba talaga nandito?'' Sabi ko sa kanya habang kumakain ng tapsilog
'' This is my way of asking you out on a date.'' Nagkatinginan sila ni Mama at ngumiti. Yeah right, napapayag niya si Mama ng napakabilis.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Teen FictionMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...