6: Nasaan ka na ba?

2.2K 57 0
                                    

-- BETCHAY'S POV --

TALAGA NAMANG NAPAKAINIT! HASSLE!

''Hayyy! Ayoko na! Para tayong sinisilaban kahit nasa auditorium oh!'' Sabi ko habang pinapaypay ang mukha gamit ang kamay ko. "Babaitang ito!  Di ka ba naiinitan?!'' Paglingon ko, dedma lang ako ni Maru. Malamang katext na naman ang crush niya.

''Hoy Mariella El Dorado!'' Hinamapas ko yung braso nya dahilan para mapasigaw aray siya.

''Hanubaaaaa! Eto naming si Betchay oh. Di ka makapaghintay! Anlaaaaa..'' Tiningnan niya yung sent items niya sa phone at lumukot na ang mukha. '' Loook! Look at what you've done! Hindi tapos yung text ko dahil sa'yo!''

''Ikaw..'' Piningot ko yung tenga niya ''Kukurutin kita sa singit eh. Init na init na kami dito tapos ikaw hala sige puro text! Sana ma-friendzone ka!''

''Wag naman ganoon Betchay! Why you so harsh to me? Huh?'' Ayan na naman nagdadrama na naman po siya (__ __''') Hindi ko ba maintindihan dito kay Maru kung bakit malaki pa rin ang pag-asa niya na magkakatuluyan sila ng crush niya. Eh parang iniiwasan siya noon. Malay ko ba! Buhay niya yan! Waaaa!

''Di ka ba talaga naiinitan ha? Look at us here, lahat kami sweaty na! Haaaay!'' inulit ko

'' Uhhh naiinitan!  Oh ayan pamaypay!'' inabot niya sa akin yung extra pamaypay niya (actually pamaypay ko itong inabot nya, di niya lang sinauli. Great!)

''Thankyouuu! Mwa!'' Sabi ko with matching flying kiss pa. Napa-eww si Maru at natawa

''Hoy yung pawis mo, punasan mo muna! Kadiri itsura mo eh!'' Maru

''Opo,inang! Hahaha!'' Kinapa ko yung palda ko at...

Oops. Teka.

Nasaan yung panyo ko?

Waaa! Baka nasa bag lang!

WALA DIN! Halaaaa!

NASAAN YUN?

Nagpaikut-ikot ako sa kinauupuan ko habang naaalibadbaran na yung mga nasa likod ko.

''Huy Bettina. Ano ba? Di ko na magets yung sinasabi ni Ma'am!'' Classmate 1

''Betchay. Huyy!'' Classmate 2

Paikut-ikot pa rin ako. Hala naman! Nasaan na yun? Hindi ako napapakali kapag wala ang panyo ko eh! Nasaan ka na ba? ha!? Waaa!

''Betchay! Kumalma ka nga! Ano bang nawawala sa'yo?'' Maru

''Nakita mo ba yung panyo ko? Waaaa!'' Sumilip ako sa ilalim ng upuan ko, baka kasi nakahandusay lang doon at namimiss na ako.

"Kaninang umaga,hawak hawak mo lang yun ha! Yung nasa service tayo'' Maru

''Aishhhh! Nasaan ka na ba kasi? Hayyy.'' Ako

Chasing My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon