-- MAKI'S POV --
February 14.
Nakatulala lang ako sa opisina ko ngayon. Hindi muna pinapasok ni Boss Rafa ang mga empleyado dahil kasal ng prinsesa nila. Si Bettina.
Oo nga pala. Akala ko Forever Alone Day lang ng mga single na tulad ko pero kasal nga pala niya.
Ang babaeng minahal at minamahal ko pa rin.
Hindi siya umurong sa kasal. Mukha pa nga siyang masayang masaya two weeks ago nung inimbita nya ako sa kasalang ito. Unang pumasok sa isipan ko PUPUNTA KAYA AKO? OSIGE.. PARA MAIPAKITA KO SA KANYA NA NAKAPAGMOVE ON NA AKO. Pero lahat pala ng yun ay lalamunin ko lang..
Hindi ko talaga kaya na makita siyang ipapakasal sa iba.
Tiningnan ko ang picture naming dalawa sa dati kong wallet at kinausap ito.
'' I hope you'll be happy forever. Hindi man tayo nagkatuluyan. I wish that your life with him would be better and happier, Bettina.'' At sa huling pagkakataon. hinalikan ko ang mga ngiti niya sa litratong iyon at binalik na ulit sa wallet ko ang litrato.
Lumabas ako ng opisina at tinawagan si Troy.
'' Hello?'' Rinig na rinig ko sa backgorund niya ang pagtatanong ng pari kung mayroon tumututol sa kasal.
'' Troy..''
''Huy Marco, late ka na. Exchanging of vows na. Nasaan ka ba?''
'' Hindi na ako aattend pre. Paki-alagaan sina Steph at Bettina ha? I need to go.''
Then I hung up my call.
-- TROY'S POV --
'' Hindi na ako aattend pre. Paki-alagaan sina Steph at Bettina ha? I need to go.''
ANO NA NAMAN BA ITO MARCO AKIRA BRYANS?!
Tumingin ako kayna Ken sa kaliwa ko at nagpaalam muna.
''Anong nangyari?'' Ken
'' Saan ka pupunta pre?'' Baste
'' Si Maki. This is not good guys.'' Sabi ko habang papaalis na sa hilera ng upuan.
''What? Sama kami'' Ken
'' Wag na. Basta tapusin niyo ang kasalang ito. Una na ako'' Iniwan ko muna ang barkada sa kasal at nagdrive na sa pupuntahan ni Marco. Saan pa nga ba siya pupunta kapag nalulungkot?Hmmmm.
Sa playground ng subdivision nila!
Doon kami tumatambay noong bata pa lang kami kasama si Betchay kapag medyo badvibes kami. Doon lang naman nakakalma si Maki.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Novela JuvenilMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...