27: Pink Piggy

949 25 1
                                    

-- MAKI'S POV --

'' Bakit ka bumalik sa Pilipinas?''

"Ano ang gagawin mo dito?''

'" Business trip lang ba ito or for good na?''

'' Totoo ba ang tsismis na magpapakasal ka kaya ka umuwi sa Pilipinas?''

''Babalikan mo ba ulit yung babaeng iniwan mo dito 3 years ago?''

'' Sino si Tanya Chua sa buhay mo? Siya ba yung babaeng babalikan mo?''

Paulit-ulit na lang ang mga tanong.

Hindi na ba nila ako lulubayan?

I'm here in the airport and trying to phone up Mom when suddenly, bigla na lang may sumugod na media sa akin. Lahat sila parang excited sa pagdating ko. Lahat may gusto malaman.

Yes, I'm back.

I really don't know why I came back.

Hindi naman ako pinabalik na naman ni Mom pero may something within me na gusto bumalik. Si Bettina pa rin kaya ang dahilan? Well, I really don't know. After 3 years ng pamamalagi ko sa London, bumalik ako ng Australia para tulungan si Dad sa firm niya doon and sa Philippines. Now, yung isang firm niya na Bryans-Chua Firm ipina-handle na nya sa akin para naman daw kumita na ako ng sarili kong pera at maranasan ko naman na laging nasa site.

Speaking of her..

Hindi ko na nga siguro siya kilala if given a chance na magkita kami.

'' Hello Ma? Where are you? Where's Troy?'' Sabi ko habang umiiwas sa media na panay pa rin ang sunod sa akin.

'' Papunta na daw siya dyan! Bakit ba ang ingay dyan? Ano ba yang naririnig ko na Tanya Chua at business trip something? Nasaan ka ba?''

'' Nasa airport! I thought you'll come here to pick me, may media na lang na sumugod sa akin. Humihingi ng interview.. excuse me'' Sabi ko habang naglalakad sa airport dala-dala ang maleta ko.

'' Do you need some security over there? Papatawag ako'' Mom

'' No need. I can handle this. Ma, matatagalan pa ba si Troy?''

'' Papunta na yan. Kumain ka muna dyan okay? Osige nasa meeting pa ako. I love you baby!'' Mom

'' Yeah right. Love you too'' I ended up the call and looked for something to eat.

Ang bagal naman ni Troy. Nakakailang text messages na ako ha! Arrgggh! Buti na lang napagod na ang media sa kakahabol sa akin. I went to some icecream shop and grab a bubblegum flavoured icecream when someone grab me by the arm and ran.

'' Hey! Miss!'' Sabi ko habang tumatakbo kasama niya at ang maleta ko.

Hindi siya sumasagot. Basta tumatakbo lang siya.

Then she stopped at a corner malapit sa store ng stufftoys.

'' Wew. Buti na lang di ako nakita ng media!'' Media? What is she saying?

'' Miss, namali ka yata ng hatak. Who are you?'' Sabi ko habang inaayos ang polo ko.

'' Ahhh eh...Uhmmm..'' Tumingin siya sa mga stufftoy at ngumiti '' Ay ang cute! Tara pasok tayo!''

'' Miss..''

Pagkaharap niya sa akin, hay grabe!

'' Miss..'' Nangingiti akong ewan! Hahaha! Pero kailangan pigilan! Ano ba Maki!

'' Oh?'' Sabi niya habang niyayakap yung pink na piglet stufftoy.

'' Saan mo ba tinatago ang mga pakpak mo?''

Ang ganda kasi niya.

Medyo maikli ang hair. neck length lang tapos madami siyang ipit na iba't iba ang kulay.

Nakamaong shorts at hanging shirt na may teddy bear na design. Nakaboots pa at polka dots na socks.

Chinita.

Petite.

Mukhang inosente at mabait.

Cute.

Natawa siya at hinampas ako sa braso. '' Ang baduy mo! Hahahaha!''

Alam mo yung feeling na parang kilala niyo ang isa't isa kahit first time niyo pa lang magkita?

Ganito yun.

Ang sarap pala ng feeling!

Kitang kita ko sa mga mata niya na gustong gusto niya yung piglet stufftoy kaya nagpresenta na ako na ako na ang magbabayad. Nasa counter na kami nang bigla siyang tumakbo at lumingon sa likuran ng store. '' Ayyy! Pahamak naman oh!'' Sinundan pala kami ng media at paparrazis.

Naiwan ako sa stufftoy store na tulala at hawak hawak ang piglet stufftoy. Buti na lang nakarating na sa airport si Troy! Woo! After 853413025372 years....

''There you are! Hay nako! Tara na!'' Kinuha ni Troy ang maleta ko at sinamahan na ako sa kotse. '' Sinundo ko pa kasi si Sophie sa work. Sorry pre ha'' Sabi niya habang nilalagay sa trunk ng kotse niya yung maleta ko

''Okay lang.''

'' Oh napapangiti ka dyan mag-isa? Anong nangyari habang wala ako?'' Sabi niya habang nagdadrive.

'' You wouldn't believe this! I saw an angel.''

Chasing My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon